Thursday, April 17, 2008

Banig




Banig, originally uploaded by Em Dy.

Ang dalawang bagay sa litratong ito ay kapwa likhang Pinoy. Ang nasa gitna ay isang pangtakip sa lamesa na ginawa sa pamamagitan ng sining ng gantsilyo. Napapaligiran ito ng dalawang patungan ng plato na hinabi. Kung papansining maigi, makikita ang paulit-ulit na disenyong apat na kanto.

The two objects in this photograph are both Philippine made. In the center is a tablecloth made using the art of crochet. It is flanked by two woven placemats. If examined closely, the recurring pattern of a square is visible.

Taken April 2008 at Sitio Remedios in Ilocos

------
Tema para sa linggong ito ng Litratong Pinoy: Apat na Kanto

Theme for this week's Litratong Pinoy: Four Corners

36 comments:

  1. i don't know what it is about the banig that just takes me back to my lola's house in bulacan.. :) this is a nice shot.

    ReplyDelete
  2. parang ansarap kumain dyan ng kare kareng may bagoong... tsk tsk... ginutom ako. :D

    ReplyDelete
  3. ako ay nahihilig sa gantsilyo ngayon...ganda naman ng parisukat mo

    ReplyDelete
  4. Napaka Filipino ulit ng litrato ninyo. Ako ang naalala ko sa banig, kapag bakasyon, lahat kaming magpipinsan ay tumitira sa Lola ko. Pag gabi na, maglalatag ng mga 5 banig at kulambo tapos tabi-tabi kaming matutulog sa sahig. Mga 10-12 kaming lahat kaya sobrang saya.

    =)

    ReplyDelete
  5. ang bango bango pa mandin ng banig!
    ang galing ng pagkakakuha...

    ReplyDelete
  6. Pinoy na Pinoy ang lahok mo ngayong linggo - ganda! :)

    ReplyDelete
  7. Nagustuhan ko itong entry mo. Malamig sa katawan ang banig. Sa probinsya namin ganyan pa rin ang gamit :)

    Gandang araw ng Huwebes!

    ReplyDelete
  8. akma ang iyong litrato... produktong pinoy para sa litratong pinoy... :)

    ReplyDelete
  9. wow nice "apat ang sulok" native na native. kakaiba, gusto ko siya :)

    ReplyDelete
  10. nice, em :)

    i like the banig then merong white thread in the middle. i thot of taking a photo of bayong for this :)

    have a nice day!

    ReplyDelete
  11. isang napaka-gandang litrato nanaman mula sa'yo! pinoy na pinoy ang parisukat mo!
    magandang huwebes sa'yo!

    ReplyDelete
  12. ayos ang banig.... :)

    ReplyDelete
  13. ANg banig ay isa sa mga simbolo ng mga Pilipino, gawa ng ating mga ninuno.

    Maganda ang iyong larawan.

    ReplyDelete
  14. Nice shot. It reminds me of my childhood days. ;-)

    Ambothology.com

    ReplyDelete
  15. Napaka ganda ng iyong lahok kaibigan. Tunay na kahangahanga. Magandang Huwebes sa iyo kapwa litratista! :)

    http://edsnanquil.com/?p=603

    ReplyDelete
  16. parang ang sarap humiga at matulog :)

    apat na kanto

    ReplyDelete
  17. Ris, may mga bagay talagang ganun no? May ibang kahulugan o alaala.

    Jeprocks, oo nga lalo na kung may katernong adobo.

    Hipncoolmomma, ingat sa gantsilyo.

    Cathy, kami naman tuwing hapon lalo na kung mainit ang panahon, naglalatag kami ng banig at dun natutulog o naglalaro.

    Abby, salamat.

    Drstel, oo nga no, parang di naluluma.

    Pinky, natuwa ako nung nakita ko sya.

    She, preskong presko di ba lalo na kung taginit.

    Linnor, tangkilikin ang likhang Pinoy!

    Nona, masarap kainan ng tinolang native din.

    Lizeth, nakuhanan ko na yto bago dumating yung bayong na may Batac longganisa. Ok ding subject and bayong!

    Lidsu, salamat. Maligayang Huwebes din.

    Lino, madaming gamit pa - higaan, bayong, etc.

    Julie, di kumukupas ang gawa ng ating mga ninuno. Ngayon nga may natitiklop na na pangbeach.

    Ambo, marami sigurong alaalang bumalik.

    Eds, salamat.

    Ettey, talaga!

    ReplyDelete
  18. ang galing naman ng pagkakakuha mo :)

    ReplyDelete
  19. nice banig (not the singer, lols) nung hindi ko pa binabasa yung captions kala ko malaking banig yan pero nagtaka ko bakit kako parang may ginantyilyong part, laking gantsilyo naman kako nun. hahaha.

    sa nueva ecija banig lang din ang higaan namin dati e. alam mo na, taga-barrio. hahaha. nice square ;-)

    ReplyDelete
  20. lagi kaming may banig sa kotse para sa mga biglaang hinto sa park. :) pero mas maganda ang banig mo kasi gawang pinas. yung amin, galing sa ikea. hahaha! :)

    ReplyDelete
  21. katulad ng dati, gusto ko itong lahok mo ngayon.

    natuwa ako at nakakita ako ulit ng ganitong klaseng banig. napansin ko kasi na kadalasan ay ibang klase na ang mga banig ngayon... mukhang gawang makina na ang mga ito.

    hindi naman ako mahilig sa mga gantsilyo sapagakat pakiramdam ko ay masyado itong pang matanda.

    salamat sa litrato mo.

    http://www.leapsphotoalbum.wordpress.com

    http://www.chinois97.wordpress.com

    ReplyDelete
  22. oo nga pinoy na pinoy ang dating ng kuha. banig at gantsilyo :-)

    ReplyDelete
  23. iba talaga ang gawang pinoy kasi angkop na angkop sa ating klima ang mga materyales kaya nakapagbibigay ng ginhawa. happy huwebes!

    ReplyDelete
  24. Yan ang unang-una ko na hinahanap sa mga Filipino restaurants sa iabng bansa, placemats na banig.

    ang ganda ng akda mo, nakaka homesick tuloy =)

    ReplyDelete
  25. brings back childhood memories. sa banig muna bago maupgrade sa kama. hehe :)

    ReplyDelete
  26. ang galing!

    maligayang huwebes!

    ReplyDelete
  27. tatak pinoy talaga ang iyong lahok! mabuhay! :)

    ReplyDelete
  28. ganda naman nyan. parang sarap magbakasyon sa probinsya at maglatag ng banig sa papag.

    mahilig din ako mag gantsilyo.

    maligayang LP sa iyo ;)

    ReplyDelete
  29. bigla akong inantok, hahaha! jk! :)

    hi em, great detail! :)

    MyMemes: LP Parisukat
    MyFinds: LP Parisukat

    ReplyDelete
  30. ang galing. pinoy na pinoy.

    ReplyDelete
  31. wow. naalala ko tuloy yung banig ko nung musmos pa lang ako sa lumang bahay namin sa probinsya. kahit nakakatulog ako sa malambot na kama, alam ko na sobrang sarap matulog sa banig na yun!

    Magandang Huwebes!

    ReplyDelete
  32. paborito ko ang banig! nagbabalik ang magagandang alaala ng buhay probinsya lalo na tuwing nagbabakasyon ako sa bahay ng lola ko. :) nakakamiss tuloy! magandang huwebes! :)

    ReplyDelete
  33. Dyes, salamat.

    Kotsengkuba, nung ginoogle ko ang banig, yung singer ang unang lumabas. Ha ha ha.

    Munchkinmommy, maganda din siguro yung itsura ng galing sa IKEA. Paborito yang tindahan ng kapatid ko sa Singapore.

    Clickingaway, medyo iba nga ang dating ng gantsilyo, parang pang makaluma. Pero makakagawa ka din ng mga iba't ibang disenyo dito na medyo bago ang dating.

    Iska, salamat.

    iRonnie, masarap ang pakiramdam, di ba?

    Thesserie, paang sumasarap ang pagkain lalo, di ba?

    Korky, oo nga no parang training bike?

    Mousey, maligayang Huwebes din.

    Dragon Lady, mabuhay.

    Jeanney, marami ka na sigurong nagantsilyo.

    Meeya, salamat.

    Alpha, iba ang Pinoy!

    Lifeisjunk, presko sa banig di ba?

    Grey, nakakamiss ang pagkabata di ba?

    ReplyDelete
  34. maganda! parang ang sarap tuloy matulog sa banig. :)

    ReplyDelete