Thursday, April 10, 2008

Detalye



Tatsulok, originally uploaded by Em Dy.

Maaaring sabihin ng ibang litratista "Asan ang tatsulok?" sa malayuan. Ito ay kuha ng isang lamparang pangsahig ng malapitan. Kung uusisain ang detalye, makikita ang maraming hugis tatsulok na bumubuo sa pangtanglaw na ito. Akma ito para sa Litratong Pinoy dahil sa paggamit ng Capiz shells.

Other photographers may say " Where's the triangle?" from afar. This is a shot of a floor lamp taken in close-up. If details are examined, one may see the many triangular shapes which form this lighting fixture. This is very appropriate for Litratong Pinoy because it features Capiz shells.

Taken April 2008 at one of the stalls selling handicraft and furniture at Greenhills.

------
Tema sa linggong ito ng Litratong Pinoy: Tatlo ang Sulok Ko
Theme for this week's Litratong Pinoy: I Have Three Corners

33 comments:

  1. ang ganda naman niyang napili mo.

    maligayang araw ng huwebes!

    ReplyDelete
  2. ala eh kitang kita ko agad ang iyong trayanggol...ganda ng kuha.

    ReplyDelete
  3. Totoo ang sinabi mong sobrang akma ang napili mong "subject" para sa linggong ito - wala na yatang mas pi-Pinoy pa sa capiz! :) Ganda ng kuha mo!

    Paborito kong palamuti ang mga capiz na lampara lalong-lalo na tuwing kapaskuhan dahil napaka-elegante at Pinoy na Pinoy!

    Mabuhay ka at ang mga litratistang Pinoy! Magandang umaga.

    ReplyDelete
  4. ang dami ngang tatsulok eh... :)

    ReplyDelete
  5. Ang galing ng pagkakuha. I'm sure gawa sa kamay yan... :)

    ReplyDelete
  6. uy tatsulok nga... so creative ng pagkakakuha mo.

    ReplyDelete
  7. Ang dami ding tatsulok! Nice one.

    Mabuhay ka!

    Ambothology.com

    ReplyDelete
  8. Wow ang daming tatsulok! puro tatsulok! ang ganda ng litratong mo akmang akma sa tema ngayong araw! Good job ;)

    ReplyDelete
  9. parang masakit yan pag nakatusok :) mahusay ang kuha mo em dy!

    ReplyDelete
  10. napakaganda naman ng iyong "subject" - sobra siyang akmang-akma sa tema ng ating palaro... tatsulok at pinoy (dahail sa capiz). ang galing din nr iyong pagkuha ng litrato.

    ReplyDelete
  11. Pinoy na Pinoy ang tatsulok mo...at kuha pa sa paborito kong shopping mall :D Maganda pagkakakuha mo, doc =)

    Maligayang Huwebes!

    ReplyDelete
  12. Mousey, maganda't mahal. Mga walong libo yung halaga. Di ko naman binili, piniktyuran lang.

    Girlie, naalala ko bigla yung guro ko sa geometry. Mahilig sa mga anggol.

    Pinky, nakakatuwa di ba? Ang dami ng disenyo ngayon.

    Lino, natuwa ako sa entry mo. Ang ganda. Talagang dapat magtripod pag madilim. Hirap ako sa mga kuha pag gabi.

    Linnor, kamay ng Pinoy!

    Rose, salamat.

    Ambo, mabuhay ka din.

    Nona, salamat sa pagdalaw.

    Star, naku sana walang matusok. Mahal kasi.

    Clicking away, nakakatuwa ang creativity ng Pinoy! Ang daming naiisip gawin sa capiz shells.

    ReplyDelete
  13. ang galing mo naman makahanap ng tatsulok! kakaiba talaga!
    magandang huwebes sa'yo!

    ReplyDelete
  14. gusto ko ang kulay, em :) tsaka tama si girlie, kita naman agad ang mga tatsulok e.

    maganda ang pagkakakuha mo! :)

    ReplyDelete
  15. ang ganda naman nito

    ReplyDelete
  16. ang ganda! lahat ng elemento, swak! :)

    ReplyDelete
  17. napakamahal siguro nyan kung yan ay bibilhin sapagkat di biro ang gumawa ng lampara na Capiz. Maligayang huwebes

    ReplyDelete
  18. ang ganda-ganda ng kuha mo. ang linis tingnan. at di lang isang klaseng tatsulok :)

    magandang gabi

    ReplyDelete
  19. Capiz...naalala ko ang bintana namin noon, gawa sa capiz. Maganda ang repleksyon ng ilaw sa Capiz shells.

    ReplyDelete
  20. mabuhay, em! :) mabuti at may naitatabi ka palang kuha na tamang-tama sa tema ng LP ngayong linggong ito. talaga namang napakaganda ng mga gawa sa atin. ang ganda rin naman nang pagkakuha mo ng litrato. :)

    salamat sa pagbisita sa site ko. :)

    Munchkin Mommy
    Mapped Memories

    ReplyDelete
  21. Hello Ms. Em Dy!
    Ang gara siguro ng lamparang iyan - gawa pa sa Capiz shells. Bibihira na lang ngayon ang mga handicrafts na gawa dito. Salamat nga pala sa iyong pagdaan sa aking mumunting blog :)

    ReplyDelete
  22. Ang ganda naman nyang mga tatsulok na yan at noyping-noypi ang dating! At maganda din ang kuha mo! :)

    ReplyDelete
  23. tatsulok naman sya hah! at ang ganda pa nya. syempre we love our own native products, dba? nice photo =)

    ReplyDelete
  24. survey: ilan naman kaya ang mabubuong tatsulok sa capiz na yan? :) :) andami! anggaling!

    ReplyDelete
  25. Hi Em! i love the subject, apropos talaga!

    ReplyDelete
  26. sa aking paningin, ang lamparang ito ay puno ng tatsulok. pasok na pasok sa tatsulok :) capiz ba ito?

    ReplyDelete
  27. nice shot po. ang dami ngang tasulok nyan. :D
    happy weekend!

    ReplyDelete
  28. ang ganda nang kuha mo, doc em. :-)

    napakaraming tatsulok at talaga namang indigenously pinoy!

    maari mo rin pong bisitahin ang aking lahok. ;-)

    ReplyDelete
  29. Natatangi ang iyong larawan. Representasyon ito ng malikhaing pagiisip nating mga Pilipino :-)

    ReplyDelete
  30. Thesserie, ayos nga sa Greenhills.

    Lidsu, natuwa ako nung makita ko yan sa Greenhills.

    Lizeth, kuwadrado yang laparang yan. Di mapapansin ang tatsulosa malayuan pero sa litrato kitang kita nga.

    Alpha, Kaje, Buge, salamat.

    Bluepanjeet, ito nga walong libo daw. Maraming ibang klase pa.

    Blue rain, may tarpaulin nga lang sa glid kaya lang di maganda kung ikacrop.

    Sardonic Nell, dapat lang love our own.

    Grey, naku ang dami siguro lalo na kung makikita nyo yan ng buo.

    Betweenthemoonandnyc, matagal ko nang di nagagamit ang salitang apropos. Salamat sa pagpapaalala.

    Dyes, capiz nga.

    IRonnie, ha ha, di kasi kailangan ng tapang sa mall.

    Dragon Lady, sige bisita ako.

    Studio Juan, tama ka dyan sa agkamalikhain. Di ba't sikat na sikat na si Cobonpue at Lhuillier?

    Lynn, parang kwento ni Polyanna.

    Munchkin Mommy, bago ang litratong ito. Sinuwerte sa paghahanap.

    ZJ, nakakatuwa sa Greenhills. Ang daming makikitang handicrafts.

    ReplyDelete
  31. ang ganda talaga ng capiz lalo na't pag nailawan. naaalala ko agad ang dagat dahil sa hugis ng lamparang ito...

    ReplyDelete
  32. Bago lang po sa Litratong Pinoy.

    Naalala ko rito ung proyekto namin sa geometry na pagduduktungin mo ang mga tuldok sa isang papel ng hindi iaangat ang kamay hanggang makagawa ka ng disensyo.. maaring ganito ung lumabas..

    ReplyDelete
  33. nice shot em. :) magandang panimula para sa linggo ng puro tatsulok. :)

    MyMemes: LP Tatsulok
    MyFinds: LP Tatsulok

    ReplyDelete