Thursday, May 15, 2008

Balik sa Dati! Bilis!



Firestarter, originally uploaded by Em Dy.

Nyayon, ang dali daling magsimula ng apoy. Andyan ang posporo o kaya naman lighter. Hindi dati ganon. Isa ang Polynesian Cultural Center sa pinakamadalas bisitahing lugar ng turista sa Oahu, Hawaii. Dito masasaksihan ang mga iba't ibang kultura ng mga isla ng South Pacific. Ang litratong ito ay kuha sa demonstrayon sa "Samoa". Naguunahan ang mga kalahok sa palighasang ito sa paggawa ng apoy sa pamamagitan ng pagkiskis sa dalawang patpat.

Nowadays, it's very easy to start a fire. Either you use matches or a lighter. That was not always the case. The Polynesian Cultural Center is one of the most visited attractions in Oahu, Hawaii. Here, one can experience the cultures of the islands of the South Pacific. This photo was taken during a demonstration at the "village of Samoa". Volunteers from the audience race against time and each other. The object of the game is to make fire by rubbing 2 sticks together.

Taken May 2006 at the Polynesian Cultural Center in Oahu, Hawaii

------
Tema sa linggong ito ng Litratong Pinoy: Umaapoy
This week's Litratong Pinoy theme: Fire

30 comments:

kaje said...

okay na paligsahan ah..sbi nga nila, basic yan pero mahirar pa rin gawin ano?

gandang huwebes!

Teys said...

pang Survivor Philippines ata sila :)

gandang LP sa iyo!

Pinky said...

Salamat talaga sa teknolohiya at kadali nang magsindi ngayon!

Di ko ata kakayanin na magkiskis ng mga patpat para makasaing lang -baka umaga na at dilat na ang mga mata ng mag-anak ko sa gutom e wala pa akong naihahain! Hahaha! :D

nina said...

Nakaka-challege ito. Nung maliit ako sinusubukan ko rin pagkiskissin ang dalawang pat-pat pero mahirap.

Magandang Araw ng Huwebes!

mirage2g said...

Ok ah, kung kaya nila yan gawin e Survivor nga sila! Gandang Huwebes!

Linnor said...

back to basics ika nga... matatalino din talaga ang ating mga ninuno para maisipan nila paano gumawa ng apoy

lidsÜ said...

tama ka! kay hirap ngang magsimula ng apoy nung unang panahon... ang galing ng iyong konsepto!

Vera said...

hehe. kakatawa. machismo at testosterone overload yang kuha mo. syempre paunahan sila makagawa ng aopy, at pogi ang mauna! hahaha

happy thursday, dalaw ka sa blog ko ha :P

julie said...

Ang ganda, nagpapakita kung paano naging malikhain ang mga tao. Pero nakakangawit yata ang gawin yan, hehehe.

Magandang araw ng Huwebes.

emoterang nurse said...

may paligsahan na ganun pala ang konsepto...

ang galing...:)

happy huwebes!:)

Shutter Happy Jenn said...

gandang huwebes! ako walang talento sa ganyan, mag posporo na lang ako!

ang LP ko ay nai-post na:
http://shutterhappenings.blogspot.com/2008/05/lp-umaapoy.html

ScroochChronicles said...

hi doc em!! nasubukan ko na yan dati nung girl scout ako. mahirap ha, in fairness :)

see u next LP :)

Dyes said...

buti na lang hindi na tayo napapagod sa pagsindi ng apoy :)

happy hottie hwebes!

up na rin pala ang entry ko sa http://yaneeps-pics.blogspot.com/2008/05/lp-7-umaaapoy.html

Buge said...

Ganda ng larawan! Minsan ay gusto ko ding subukan gumawa ng apoy sa pamamagitan ng dating paraan. Nalala ko nung bata ako, pinipilit kong pagkiskisin ang dalawang puting bato para makagawa ako ng apoy. Hindi naman ako nag-succeed. uminit lang ang mga bato pero hanggang don lang. Haha!

Magandang Huwebes sa yo!

http://www.bu-ge.com/2008/05/litratong-pinoy-ummapoy.html

iRonnie said...

oo nga no. isang kiskis lang ng psoporo ngayon at may apoy ka na agad. di na kailangan magpatulo ng pawis. happy huwebes!

ettey said...

buti na lang naimbento ang posporo kasi kung hindi siguro lawit na dila ko wala pa rin apoy haha! happy huwebes po!

jeprocks said...

parang gusto ko tuloy mag pa polynesian tattoo =D

Haze said...

pahirapan nga dati sa pag gawa ng apoy. buti na lang at naimbento ang posporo at lighter, kung hindi, ganyan pa rin tayo magsisindi.

thought lang: pano na yung mga nagyoyosi, haha effort ito kung magsisindi. =)

happy LP!

thess said...

naku masakit sa kilikili yata yan, nakakangalay...lawit na dila sa uhaw, wala pa rin apoy :D

Em Dy said...

Kaje, mahirap gawin lalo na kung may time pressure. Ha ha.

Teys, naku,malapit na raw yun!

Pinky, ako din siguro. Bibili na lang ako ng takeout.

Nina, nakagawa ka ba ng apoy?

mirage2g, magandang Huwebes!

Linnor, tawag ng pangangailangan siguro. Nakakatulong sa lamig. Nakakatakot sa hayop.

Lidsu, salamat!

Vera, pogi points ang unang makagawa ng apoy.

Julie, oo nga, buti na lang may posporo na.

Emoterang Nurse, may unahan din sa pagbukas ng buko, pagakyat sa puno...

Shutter happy Jenn, ako din.

Cookie, ako din dating girl scout!

Dyes, oo nga. Wala na siguro tayong magagawang iba.

Buge, baka kulang pa!

iRonnie, wala ng kahiraphirap ngayon.

ettey, ako din siguro, magtitiyaga na lang sa dilim.

Jeprocks, meron din dun, libreng tattoo. Madali nga lang mabura.

Haze, wala na sigurong magsisigarilyo kung ganon.

Thess, siguro nga!

meeya said...

hi em, malamang walang mga magiging adik sa sigarilyo pag ganyan ang lighter. bago ka maka-yosi, ngawit muna kilikili, hahaha! great capture :)

MyMemes: LP Umaapoy
MyFinds: LP Umaapoy

alpha said...

oo nga em, maaga ang pasko sa blog ko :D

ang hirap naman gumawa ng apoy.

sardonicnell said...

namiss ko tuloy ang oahu cause of your photo, hehehe. we've definitely come along way from rubbing two stones to simply opening a box of match. guess, we should be thankful for that ;)

lino said...

magandang araw ng biyernes, sensya na late ako, hehehe...

Grey said...

gusto ko makapasyal sa hawaii!!! :) parang mainit ang labanan ah! hehe.. :) mabuhay LP!

iris said...

nasubukan ko na magsindi ng apoy sa ganyang paraan. ang hirap pala! :) baka mamuti muna ang mata mo sa gutom bago makapagsindi ng apoy. hehe.

leapsphotoalbum said...

Nakakatuwa naman yung show na iyan... although ewan ko kung maeenjoy ko magkiskis ng mga kahoy para makagawa ng apoy... hindi ako ako magaling kasi sa ganyan eh.

Munchkin Mommy said...

kakaibang entry para sa LP em dahil walang totoong apoy sa larawan. :D ngayon lang ako naghahabol ng dalaw sa mga sumali sa LP. :D

happy weekend!

Apoy sa Langit
Apoy sa Keyk

ZJ said...

Hi Ms. Em Dy!! Naalala ko nung high school ako, sa Girl Scout camping ay tinuruan din kami kung paano gumawa ng apoy na gamit ang kahoy... exciting siguro pag pakontes ito!

Em Dy said...

Meeya, oo nga. Di na mahihirapan si Yosi Kadiri!

Alpha, maligayang Pasko! Ha ha ha.

Sardonic Nell, oo nga, dapat magpasalamat at wag abusuhin ang teknologiya.

Lino, ako din late. Di pa ko tapos amasyal sa ibang blog.

Grey, maganda dun. Sana nga mskapunta ka.

Iris, posporo na lang lagi, no?

Leapsphotoalbum, nakakatuwa ang mga gimik nila. Nagtuturo pa silang magsayaw ng hula!

Munchkinmommy, ginagawa pa lang kasi ang apoy. Ha ha ha!

ZJ, exciting nga. May time at audience pressure pa!