Thursday, June 5, 2008

Madamdaming Paglalakad



Wedding March, originally uploaded by Em Dy.

Ang paglalakad ng babaeng ikakasal ang pinakagusto kong masaksihan sa mga kasal. Sabi nga nila, pinakamaganda ang babae sa araw ng kanyang kasal. Mababakas din sa mukha nya habang naglalakad ang iba't ibang damdaming kanyang nararamdaan. Andyan ang kasiyahan sa katuparan ng pangarap at pagibig, kalungkutan sa paglisan sa buhay na kinagisnan, takot sa buhay na susuungin, etc. Ang lalaking naghihintay sa kanya sa altar at ang pamilyang nakapaligid sa kanya ang nagpapagaan ng kanyang kalooban.

The bridal march is what I want to see most in weddings. As they say, a woman is most beautiful on her wedding day. As she walks down the aisle, a gamut of emotions run through her face. Joy because of a dream come true and of a celebration of love. Sadness as she leaves familiar territory. Fear as she embarks on a new adventure. The sight of the man waiting for her at the end and her family around her reassure her.

Taken April 2008 in Ilocos.

------
Tema sa linggong ito ng Litratong Pinoy: Pagiisang Dibdib
This week's Litratong Pinoy theme: Getting Married

36 comments:

  1. hindi ko mapigilang umiyak minsan pag napapanood kong mag-march ang bride papunta sa altar.. tama ka, sama-samang emosyon talaga sa mga sandaling iyon. :)

    ReplyDelete
  2. ay totoo yan... bridal march din hinihintay ko sa kasal...

    ReplyDelete
  3. minsan di lang ang bride ang madamdamin pati yung groom hehhe...

    ReplyDelete
  4. haay, naalala ko tuloy ang aking sariling kasal..masayang malungkot...mdrama ang larawan mo...e sino ba iyong mga nasa likuran ng bride?

    ReplyDelete
  5. ako man...yan din ang aking hinihintay sa kasalan, meron pa rin ako hinihintay silipin mo dito

    ReplyDelete
  6. paboritong parte ko rin yan sa kasal. ako man din naging emosyonal nung ako'y naglakad papunta sa aking magiging asawa.

    happy huwebes sa iyo! :)

    ReplyDelete
  7. yun kasi ang highlight of the ceremony (para sa aking) :D

    ReplyDelete
  8. Kasama ang saya, alaala, pag-asa at mga luha sa paglakad...gusto ko din ung pagaabot ng kamay ng bride ng tatay niya sa groom...

    ReplyDelete
  9. Ako man ay madalas ma-"senti" tuwing makakasaksi ng "wedding march" ... Gaya ng sinabi mo, samu't saring damdamin kasi ang kadalasang nararanasan ng bride sa puntong ito e.

    ReplyDelete
  10. parang may ibang gusto ipakita ang lalaki sa unahan. :p

    happy thursday!

    ReplyDelete
  11. Syet, naiimagine ko na siya:D Saya, hehehe.

    ReplyDelete
  12. agree ako sa'yo!
    magandang huwebes sa'yo!

    ReplyDelete
  13. yan ang aabangan ko sa wedding ng ka-opisina ko next week. sigurado akong magiging madamdamin yun :D

    magandang huwebes po at salamat sa pagbahagi ng napakagandang litrato para sa linggong ito.

    ReplyDelete
  14. bakit nga ba talagang nakaka-antig ng puso ang bridal march? kahit ako, naiiyak..pwera lang nung sarili kong kasal ha..tuwang tuwa kasi ako nun :)

    ReplyDelete
  15. Yan nga nga madamdaming simula sa isang bagong kabanata sa buhay ng babaeng ikakasal. Naalala ko yung sa akin... naiyak ako pagdating namin sa altar ng mga magulang ko kasi umiiyak ang mommy ko.

    ReplyDelete
  16. Isa rin yan sa pinakapaborito kong punto ng kasalan. Ewan ko ba kung bakit naiiyak ako kapag nakakakita ako ng naglalakad papuntang altar...kilala ko man o hindi. Yung akin naman, pinilit kong di maiyak kahit ang lahat ng mga anty at pinsan ko ay nag-iiyakan na. Inisip ko nalang, kahit wala na ang Mama ko, alam kong masayang-masaya sya sa araw ng kasal ko at ayaw nyang nakikitang umiiyak ako. Saka na lamang ako naiyak pagkatapos ng kasal.

    ReplyDelete
  17. Talagang halo-halong damdamin ang nararamdaman ng babaeng naglalakad patunong altar. Yung sa akin naman, yung groom ang medyo emotional. Sumisinghot-singhot nung binigay na ng Daddy ko kamay ko sa kanya. hehehe

    ReplyDelete
  18. Ang ganda ng kuha mo, as usual. Yan ang isa sa mga highlights ng isang kasalan, ang pagpasok ng bride.

    By the way, di ko alam, me deep dish pizza pala sa sbarro.

    Magandang Huwebes.

    ReplyDelete
  19. sarap namang alalahanin/sariwain muli ang ating kanikaniyang mahalagang araw...ang kasal.

    ReplyDelete
  20. talagang inaantabayanan ang paglalakad ng ikakasal. minsan, ito rin ang konsiderasyon ng mga ikakasal kung mahaba o maikli ang paglakad nila :)

    ReplyDelete
  21. tama ka kafatid. nakakabagbag damdamin ang paglapit ng bride sa altar. Ang tatay ko ang iyak ng iyak ng mga oras na iyon...hay...at hay...pa :)

    ReplyDelete
  22. hindi pa ako nakanood ng bridal march na hindi ako naiyak...kahit pa inabutan ko lang sa isang simbahan na may nagmamarch na bride. hahaha. mababaw talaga ang aking luha! :)

    Sumpaan
    Abay

    ReplyDelete
  23. yan din ang paborito kong parte sa kasal, pwera sa you may kiss the bride hehehe ;)

    http://edsnanquil.com/?p=799

    ReplyDelete
  24. Iris, ako din.

    Betchay, ayaw kong nalelate sa kasal dahil dyan.

    Mousey, oo nga. Minsan mas madrama pa yung groom.

    Ces, mga alalay yata.

    Jeanny, gusto ko din yang part na yan.

    Leah, lahat siguro ng bride ganyan no?

    Linnor, sa kin din. Parang tuloy tuloy na, wala nang balikan.

    Fortuitous faery, hay.

    Mirage2g, oo nga. Madamdamin din yung tagpong yun.

    Pinky, minsan nahihiya akong magsenti. di naman pala dapat, marami tayo. Ha ha.

    Christine, napansin ko din yun.

    Komski, naiyak ka ba?

    Lidsu, magandang Hwebes.

    Mommyba, salamat. Congratulations sa kaopisina mo.

    Cookie, kitang kita siguro sa mukha mo nun ang saya!

    Tere, feeling nya siguro iiwan mo na sila.

    Kerslyn, ang hirap siguro magpigil umiyak.

    Julie, salamat. Ako ngayon ko din lang nalaman.

    Reflexes, para bang kahapon lang.

    Dyes, oo nga. Siguro, mas mabili yung mga simbahang mahaba ang aisle.

    Nona, humahagulgol ba?

    Munchkin Mommy, maski di natin kilala di ba? Nakakaantig damdamin talaga.

    ~eds~, pati sa reception, masarap magpatunog ng champagne glasses.

    ReplyDelete
  25. Uy... sa Bantay Church ito, ano?

    Ang aking LP ay naipost na rin:

    Shutter Happenings, daan ka kung may oras ka.

    ReplyDelete
  26. Ano kaya feeling pa punta ng altar pag ikakasal na? Sobrang saya siguro. Siguro may mixed emotions rin. Hay, am looking forward to experiencing that emotion. :)

    ReplyDelete
  27. naalala ko tuloy ang bridal march ko. sabi ng mga pinsan ko ako daw ang pinakamabilis maglakad na bride na nakita nila hehehe..

    re your comment, oo em, kasal ko yun LP ko :D

    ReplyDelete
  28. Shutter happy Jenn, korek ka dyan. Sa Bantay Church ko nga kinuha ang litratong yan. Di naman kami imbitado sa kasal. Nagkataon lang na namamasyal kami doon.

    A secret place, malapit na ba?

    Alpha, talaga? Di ka nama siguro nakarubber shoes?

    ReplyDelete
  29. huwaw! maganda ah!ako din emote to the max ang drama ko nung nag march ako :)

    ReplyDelete
  30. ganda ng kuha.. sana lang wala ung tagahawak ng belo... kakaiba ang lahok ko... di nyo maiisip na pwede ito... hehehe... naway madalaw nyo..

    ReplyDelete
  31. nice... love the shot... pasensya na at ako'y huli, pero narito na rin po ang aking bahagi para sa linggong ito... happy LP... :)

    ReplyDelete
  32. ako lang yata hindi nag marcha, buti na lang ha ha (kasi masyadong sumikip sapatos ko ng araw na yun, parusa!)

    seryoso, maganda ang shot mo ha, at may extra pang tanawin na kuyukut lol*

    happy weekend sa iyo, doc!

    ReplyDelete
  33. dream come true sa isang babae ang maharap siya sa altar ng kanyang minamahal. isang pangako, isang sumpaan na hindi basta-basta mababawi ng kahit sino man. :)

    ReplyDelete
  34. i agree! it's very emotional talaga.. happy lp! :)

    http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/06/lp-10-pag-iisang-dibdib.html

    ReplyDelete
  35. ang bride din ang pinakamasaya - pati na ang napakamaswete nyang groom. :)

    ReplyDelete