Thursday, June 26, 2008

Sige, Ikembot!



Hula, originally uploaded by Em Dy.

Aloha! Ang litratong ito ay kuha sa Polynesian Cultural Center kung saan ang mga turista ay maaaring matutong sumayaw ng hula, ang katutubong sayaw ng Hawaii. Handa ka na bang magaral? Sumayaw, sumunod!

Aloha! This photograph was taken at the Polynesian Cultural Center where tourists can learn how to dance the hula, the ancient dance of Hawaii. Are you ready to learn? Dance and follow the leader!

Taken May 2006 in Hawaii, USA

------
Tema sa linggong ito ng Litratong Pinoy: Pag-aaral
This week's Litratong Pinoy theme: Studying

33 comments:

jeanny said...

natutunan mo rin ba ang sayaw na ito.

Ang cute ng bata ;)

Happy LP
jeanny

Bahchi said...

Wow ang sarap namang matuto niyan! :) Maligayang Huwebes at salamat sa komento mo... Oo nga pala, tunay yung UST na yun :)

betchay said...

mukhang masayang matutunan ang sayaw na 'yan

ces said...

ay gusto ko ring matutunan ito! pampaliit ng baywang!hahaha!

Pete Rahon said...

definitely isa ang sayaw sa dapat matutunan na skills... challenging nga lamang ang kumembot ala - Hawaii Five-O, hehehehe...

Dr. Emer said...

Kapag Hula ang usapan, mas gusto ko na manood kesa mag-aral. ;-)

arvin said...

Sige, ikembot mo, nang matunaw ang taba, hehehe. Ok na ok sa akin yan, hehehe:)

leapsphotoalbum said...

Super uso itong sayaw na ito dati sa Pinas. Naaalala ko dati na lahat ng mga batang babae ay nagpapakamatay sumayaw sa tutog na "Tiny Bubbles" at "Hawaii Five-O".

Buti na lang at belly dancing na ang uso ngayon. Hehehe!

thess said...

Ang sarap siguro matutunan nyan!

happy LP :)

julie said...

Natutunanmo ba ang sayaw na ito? :) Mukhang masaya yan ah.

Maligayang Huwebes!

ShutterHappyJenn said...

Ang sarap sigurong matuto nito!

Ang aking LP ay nakapost DITO.

Sana ay makadaan ka. Salamat!

fortuitous faery said...

ang gandang matuto nito...pero may mga taong sadyang pinanganak na malambot ang katawan sa pagsayaw...sa kasawiang palad, hindi ako kasama doon! hehe.

lidsÜ said...

ang galing! parang gusto ko rin pag-aralan yan!
magangdang huwebes sa'yo!

ettey said...

nakakaganda ba ng butt ang pagsasayaw nyan... pansin ko ang ganda ng mga butt nung nagsasayaw eh, sasali ako!! ^_^.

Reflexes said...

hehe! sige ikembot mo pa :D nakakatuwa naman.

Em Dy said...

Jeanny, nagtry ako nung unang punta ko pero hanggang dun lang!

Bahchi, siguro mahusay kang sumayaw no?

Betchay, masaya nga.

Ces, pampasakit ng bewang! Ha ha ha!

Pete Rahon, ok ngang social skill ang sayaw!

Doc Emer, pareho tayo! Pwedeng taga Kodak pero di pwedeng tagasayaw.

Arvin, ha ha!

Leapsphotoalbum, naalala ko may litrato kaming magpipinsan na nakasando't grasskirt. Mga limang taon siguro kami noon.

Thess, aral na!

Julie, backseat dancer lang ako. Ha ha ha. Magaling pumuna, di marunong sumayaw! Manager ang dating.

Shutterhappyjenn, punta na ko dyan!

Fortuitous faery, ako din!

Lidsu, kayang kaya mo yan.

Ettey, ha ha ha. Ok ang motivation mo!

Reflexes, ikaw din!

Teys said...

kaaliw! pati bilbil kumekembot ata :)


happy LP

andito ang akin:
http://teystirol.com/2008/06/26/lp13-pag-aaral/

Mec said...

Pinangarap ko yan... matutong mag-hula :)



Mec of Hope This Helps You

Dyes said...

hmmmm.... nakakaliit ba ng bewang yan? ;D yan ba ang before na picture sa before and after? hehehe :)

strawberrygUrl said...

nag-aral ako nyan nung grade school days ko. napa-reminisce tuloy ako. ha ha

ScroochChronicles said...

ay ang ganda naman nyan!! ikaw, natuto ka ding kumembot :)

megamomph said...

This post made me sentimental. I was one of those who learned to dance the hula as a kid!

Munchkin Mommy said...

ang saya naman! parang gusto ko ring matutong mag-hula! :)

LP sa Munchkin Mommy
LP sa Mapped Memories

chinois972 said...

Ayos - parang gimik sa Wowowee a! Hehehe! :)

pao said...

parang gusto ko ding mag-hula class. :)

toni said...

At ikaw? Nakapag-aral ka rin bang maghula or kumuha ka lang ng litrato? :)

mirage2g said...

Ninais ko din minsan matutong sumayaw...Ayaw naman ng sayaw sakin lol happy LP!

Em Dy said...

Teys, ha ha ha. Sabay sabay na.

Mec, simulan mo na.

Dyes, magandang ideya yan. Before and after!

Strawberrygurl, napakembot ka ba?

Cookie, konti lang! Di bagay sa kin!

Megamom, time to teach the kids then!

Munchkin mommy, sige nga!

Chinois 972, fan ka pala ni Willie!

Pao, naku marami na kayo. Titser na lang kulang!

Toni, nung una kong punta, nakihula din ako. Nung pangalawa, kumuha lang ako ng litrato!

Mirage2g, sa kin din ayaw!

Haze said...

nakakapayat kaya yan? hehe

naaliw ako dun sa bata.

happy lp!

Ner said...

ang galing, ibang tema nga naman ng pag-aaral ^^

maligayang paglilitrato! :)

KD said...

Magandang matututo ng ibang sayaw mula sa iabng kultura, gusto sanang sumali kaya lang mukhang mahal pamasahe.

Lizeth said...

nahirapan ako sa pagkembot nong nag-belly dancing ako noon!Ü

Me, the islands and the world said...

gusto kong magtry nito:) mahirap siguro pero parang nakakatuwa!