Thursday, May 29, 2008

Ang Tao at ang Kalikasan



Bangui Windmills - Scale, originally uploaded by Em Dy.

Ang hangin ay isang bahagi ng kalikasan. Maari itong pakinabangan ng tao. Katulad na lamang ng Bangui windmills ng Ilocos Norte. Ang wind farm ay nakakapagdulot ng kuryente. Tignang mabuti ang litrato at pansinin kung gaano kaliit ang tao kumpara sa windmills na kayang patakbuhin ng hangin. Ang larawang ito ay magandang halimbawa ng dalawang klaseng scale, isang konsepto sa pagkuha ng litrato at ang lugar ng tao sa kalawakan.

The wind is one of the forces of nature. Man can harness wind to his advantage. Take for instance, the Bangui windmills in Ilocos Norte. This wind farm produces electricity. Look closely at the picture and see how small the people are compared to the windmills which are moved by the power of the wind. This photo is a good example of 2 kinds of scale, a concept in photography and man's place in the world.

Taken April 2008 in Ilocos Norte.

------
Tema sa linggong ito ng Litratong Pinoy: Ihip ng Hangin
This week's Litratong Pinoy theme: Wind Blows

33 comments:

  1. iyon nga ang aking unang napuna sa larawan...marahil ay napakataas talaga nitong mga windmills na ito...

    ReplyDelete
  2. uy, pareho tayo kapatid! okey na okey yan!

    gandang 'webes!

    ReplyDelete
  3. Ndi ko pa nakita ang mga windmills na yan. Sana ay mapuntahan ko yan pagbalik ko sa Ilocos.

    Mukhang nakakalula ang taas nila no?

    Magandang Huwebes!

    ReplyDelete
  4. Oo nga talagang makikita ang laki at liit ng mga bagay...Ang ganda ng tanawing ito! Happy LP!

    ReplyDelete
  5. That's incredible, I didn't realise how big they were!

    ReplyDelete
  6. Sarap namang bumisita sa Ilokos at mukhang napaka-interesanteng makita ang mga windmill na yan.

    Happy Huwebes sa iyo!

    ReplyDelete
  7. pareho din tayo pero mas maganda ang kuha mo. ang linaw!

    ReplyDelete
  8. nakakalula ang laki at ang taas ng mga windmill na 'yan... ang ganda ng pagkakuha... asul, puti at brown

    ReplyDelete
  9. isa ito sa mga plano kong bisitahin ngayong taon! ang ganda daw dyan!
    magandang huwebes sa'yo!

    ReplyDelete
  10. nung huling punta ko dyan, wala pang ganyan... kelangan pa la akong bumalik dyan... :)

    ReplyDelete
  11. ganda ng windmills, di pa ko nakakita nyan sa personal hihi! happy webes!

    ReplyDelete
  12. 'di ko pa naranasang makakita ng windmills sa ating bansa...dapat siguro ay sadyain ko yan sa Ilokos pag mabigyan ng pagkakataon. napakagandang tanawin. salamat sa pagbahagi. magandang araw ng Huwebes sa iyo.

    ReplyDelete
  13. dumaan kami rito noong linggo, kaso di na kami pumunta malapit sa windmills, sayang. sana makabalik ako doon... gusto ko talagang makita ito ng malapitan.

    ang aking LP ay nakapost na, daan ka sa blog ko kung may oras ka. salamat.

    Shutter Happy Jenn

    ReplyDelete
  14. ang laki nga grabe, parang gusto ko rin niyan sa likod bahay namen, hehehe.

    ReplyDelete
  15. Mainam na gamitin ang wind power dahil ito ay libre, pero siyempre, mahal ang pagpapatayo ng mga windmills sa umpisa.

    Ayos ang entry mo :)

    ReplyDelete
  16. pangarap kong makapunta ng ilokos para makita ang mga yan.

    at may bago rin akong natutunan sa iyo. scale.. ayos! salamat!

    happy LP!

    ReplyDelete
  17. Ganyan din sana ang aming gagawin dito sa isang project area namin sa Cambodia. Kaya nga lang ay di ito natuloy dahil sa masusing pananaliksik ay napag-alaman na hindi sapat ang hangin sa lugar na iyon para ma-sustain ang wind power. Nagbalik solar energy na lang kami, isang eco-friendly solution din kahit na napakamahal nito.
    Magandang Huwebes sa iyo :)

    ReplyDelete
  18. Maganda composition mo, doc!

    maganda Huwebes sa iyo!

    (pasensha ka na, nde ko alam kung nakapasok ang comments ko na nauna, paki delete na lang)

    ReplyDelete
  19. ako naman gusto kong makakita ng mga windmills lalo sa Holand.

    ReplyDelete
  20. Hindi pa ako nakakakita ng ganyan! Nakakalula ang kanyang pagkalaki!

    Maligyang huwebes!

    ReplyDelete
  21. yan ang gusto kong makita talaga. di pa ako nakapunta kasi ng ilocos..ganda ng kuha :D

    ReplyDelete
  22. ang ganda. sana makapunta rin ako sa lugar na to. :)

    ReplyDelete
  23. ang linis ng kalangitan! akmang-akma ang kuha mo sa tema natin. :)

    happy weekend!

    ReplyDelete
  24. noong nakita ko yung mga windmills sa unang pagkakataon, namangha din talaga ako. ang laki kasi! napakagagaling ng mga gumawa nun, sa totoo lang. at ang ganda pa ng backdrop niya. ang sarap balikan.

    ReplyDelete
  25. di ko akalain may ganitong windfarm na din sa pinas.

    ReplyDelete
  26. Pareho tayo ng entry hehehe. Happy weekend!

    ReplyDelete
  27. Ces, dapat nakatingala.

    Teys, oo nga no?

    Buge, nakakatuwa silang makita, lalo na kung malapitan.

    Mirage2g, ok ang contrast di ba?

    Jenty, they're huge.

    Pinky, biyahe na!

    Linnor, mas marami naman yung windmills na nakita mo!

    Betsay, salamat!

    Lidsu, check out mo din yung blog ko para sa tips sa byaheng Ilocos.

    Lino, balik na!

    Ettey, punta na sa Ilocos.

    Roselle, must see talaga to pag nagpunta ka ng Ilocos.

    Jenn, sana nga makabalik ka.

    Komski Kuno, naku, di mo na kailangan ng bentilador o aircon pag may ganyan ka sa likod bahay!

    Julie, malaking investment nga ang kailangan.

    Haze, pwede mo ding gamitin ang concept ng scale sa marami pang bagay.

    ZJ, nakakatuwa nga. Ang lakas ng hangin nung pumunta kami. Di nga lang magandang magpapicture kasi nililipad pati buhok.

    Thess, salamat!

    Marie, pangarap ko rin ang Holland. sarap sigurong magpicture dun. Maraming tulips, etc. At ang costumes nila ang ganda-ganda.

    Toni, punta na. Dito sa Pilipinas, sa Ilocos lang meron nyan.

    Cookie, may zero fare yata!

    Ayen, tara na!

    Christine, payapa ang langit.

    Iris, oo nga, ang sarap balik balikan.

    Kiwipino, ako din nagulat.

    Ambo, ang ganda ng kuha mo!

    ReplyDelete
  28. Em Dy, natuwa naman ako at sa Ilocos Norte lang pala itong litrato mo...akala ko ng una ay sa abroad... may ilan na rin akong nakitang entry na windmills, usually sa USA kinunan ang mga litrato.

    Happy LP!

    ReplyDelete
  29. mas type ko ang photo mo doc em, kasi local :) yung sa akin imported kaya hindi ako masyadong attached hehe.

    ReplyDelete
  30. ang sarap makakita ng magandang larawan na kuha sa atin. tulad ng piktyur mo... ma-appreciate mo talaga ang ganda ng pilipinas :-)

    ReplyDelete
  31. ang galing nito. sana nga ipursue ng government itong alternative na ito.

    really awesome yung difference ng sizes, no?

    ReplyDelete
  32. Leapsphotoalbum, onli in Ilocos in the Pilipins.

    Meeya, lokal na lokal. Namangha din ako nung unang makakita ng windmill sda Amerika. Di nga lang nakatigil para kumuha ng litrato.

    Iska, wow Pilipins.

    Ate Sienna, ang liit ng tao, no?

    ReplyDelete
  33. hi doc! sensya na po at ngayon lamang nakabisitang muli sa iyong blog. pareho nga tayong naglahok nang windmills. :)

    happy LP!

    ReplyDelete