Para sa marami sa atin, ang relihiyon ay sya nating kinagisnan at pinamana sa atin ng ating mga magulang. Kung paano natin siya isabuhay ay ating sariling desisyon at tungkulin.
For many of us, religion is something we grew up with or was handed to us by our parents. How we live it is our choice and responsibility.
Taken April 2008 in Ilocos, Philippines
------
Tema sa linggong ito ng Litratong Pinoy: Kinagisnan
This week's Litratong Pinoy theme: Developed With
Thursday, November 13, 2008
Sumasampalataya Ako
Labels:
architecture,
EOS 450D,
ilocos,
litratong pinoy,
travel
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
19 comments:
Kinagisnan ko ang mataimtim na pananampalataya sa Katolisismo...pagnonobena, pagrorosaryo at mga tiyo at tiyang nagsisilbi sa misa. :)
at relihiyon at pananampalataya ang dalawa sa nakagisnan natin na nagapatibay at nagpapatibay sa ating pagkatao... :)
ako rin ito ang kinagisnan ko sa pananampalataya..bilang katoliko..gaya ni wengski...novena ang aking tinatakbuhan parati sa oras ng pangangailangan...ganda ng larawn ng simbahan!
the photo is fantastically captured. very artistic with perfect lighting.
religious din ang theme ko ngayong linggo! :)
isa ito sa mga kinagisnan kong nais maipasa sa mga susunod na henerasyon...ang pagmamahal kay Maria at sa Diyos maykapal!
maganda ang simbahan sa Ilocos. Isa na itong Bantay church na kung saan ang Bantay Belltower ang isa sa mga picturesque places in the north. Husay!
ako din ay pinalaki ng aking mga magulang na may pananampalataya sa Diyos.
eto naman ang mga nakagisnan ko:
http://awifescharmedlife.blogspot.com/2008/11/litratong-pinoy-kinagisnan.html
Hindi man ako Katoliko na, pero yan din ang kinagisnan ko.
Sadyang may mga kinagisnan din na nagbabago sa pagdaan ng panahon.
isang magandang pamana ito ng ating mga magulang, ang maging malapit sa ating Panginoon.
kay ganda ng iyong larawan :)
ang aking mga lahok ay naririto: Reflexes at Living In Australia
Pinalaki rin akong Katoliko ng aking mga magulang at ganun din ang kalalakihan ng aking anak..
Nandito po ang akin.
Magandang Huwebes!
yan ang aking natutunan sa aking Lola na napaka-relihiyosa. ganda ng kuha mo, doc em :)
Unang tingin ko pa lang sa litrato alam ko na agad kung saan ito, hehehe, kabibisita ko lang sa Bantay Church noong nakaraang Linggo. =)
Eto ang aking lahok, and eto naman ang lahok ng aking kapatid. Magandang araw ng Huwebes!
Totoo yan. Mapa-Katoliko man o hindi, ang pananampalataya sa Diyo ang siyang angkla na nagpapatibay sa ating buhay.
tunay ka...namana natin sa ating mga magulang ang pagkamadasalin.
Sang-ayon ako kay Ms. Julie, wala sa ito sa relihiyon kundi nasa pananampalataya ng bawat isa ang siyang nagpapatibay sa atin.
Totoo! Kinagisnan ko rin ang pananampalataya. Pinoy na pinoy na ito 'no?
ang ganda ng composition, i like the architecture sa loob ng simbahan, lalo na ang beams sa kisame. happy LP
Amen. I like the shot.
Ito po ang lahok ko.
Maraming salamat ulit sa pagnisita, mga kapwa litratista.
Sabi nga ng isang paring napakinggan ko, nasasaatin kung tatanggapin ang relihiyong pinamana ng ating magulang. Pwede tayong maging aktibo o dala lang ito sa pangalan. Hindi rin masamang magtanong o pagaralan ang relihiyon.
Post a Comment