Pahinga muna, sabi ni Mamang Kutsero sa kabayo. Dito muna tayo sa lilim. Ikaw, nagpapahinga ka ba? O pinagpapahinga mo ba ang mga kasama mo? Dapat lang. Kailangan nating lahat ang pahinga.
Let's rest, said the rig driver to the horse. Let's stay in the shade, he added. Do you take a break? Or allow others to do so? You should. Everybody deserves a break.
Taken April 2008 in Ilocos
------
Tema sa linggong ito ng Litratong Pinoy: Puti at Itim
This week's Litratong Pinoy theme: White and Black
Thursday, September 25, 2008
Pahinga
Labels:
black and white,
EOS 450D,
ilocos,
litratong pinoy,
travel
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
27 comments:
Happy LP, Dra. Em!
Halos pareho tayo ng entry. I agree with you. Everyone deserves a break.
ay sa Ilocos din. Pangalawa na tong Ilocos photo na napuntahan ko. feeling ko sign ito na malapit ko na madalawa ang probinsyang iyan :)
Love the photo by the way! :)
Jeanny
Startin' A New Life
di yata pumasok comment ko kanina, uulitin ko.
matagal nakong di nakakasakay sa karitela
Sige, talagang magpapahinga ako... pero iikot muna ako sa mga ka-LP - hahaha!
Happy Huwebes sa iyo!
ay iyan ang mga una kong projects ang kumuha ng shades and shadows, syempre pa nga naman sa lilim masarap magpaghinga:)
Nice shot. sana marami pang mga kalesa kahit sa maynila. sa binondo ko lang nakikita ang mga iyan.
Timeless ang litrato! Punong puno ng istorya lalo na ng narender sa B&w! Galing!
DOK!!!!!
Parang alam ko kung saan ito:)
sa VIGAN! sa likod ng Capitolio, tapat ng Burgos Museum :)
Maganda talaga ang Vigan kaso napuntahan ko nasya ng maraming maraming beses kaya medio nakakasawa na.
Laoag na ang next dream spot ko sa Ilocos
happy LP day :)
eto AKIN
naalala ko tuloy ang unang sakay ko sa kalesa...dinayo ko pa po ito, makasakay lang. magandang araw ng Huwebes!
sana'y inyo pong masilip din ang aking mga lahok :)
http://manillapaper.com/2008/09/lp-black-and-white/
http://livinginau.com/2008/09/aint-black-and-white/
Parang Kit Kat Commercial yo deserve a Break!!! But tama kanag,, pag sobrang subusban sa ka blo blog ,,mamahinga muna... magandang araw po!!!! Eto naman po ang sa akin http://aussietalks.com/
ANg ganda ng setting, tamang-tama sa B&W :)
ganda ng pagkakakuha nito. happy lp sa iyo! :)
Tama ka, kailangan natin ng pahinga. Ganda ng larawan mo Em Dy. May pagka-dramatic. Love it!
Wala akong entry, nagpahinga ako sa blogging.
Happy LP! :)
Hayyy, mapa tao o hayop kailangan talaga ng pahinga..lalo na at nakakapagod ang init ng sikat ng araw :)
Magandang Huwebes sa iyo , doc! (teka, cross ko fingers ko na sana kagatin itong comment ko*)
bihira na ako makakita ng calesa ngayon, sa chinatown na lang yata... :)
'Di pa ako nakakasaka sa kalesa, hehehe:P Ilocos? Gusto kong pumuntang Vigan:D
no. i don't think i have. ay nag-bakasyon na nga pala ako last week :) ganda.
Awww, Vigan! Ang pinaka paborito kong lugar! Miss ko na ang lugar na ito! Happy LP sa iyo, kapatid!
na-miss ko ang ilocos sa picture mo!
nagpapahinga sa lilim! gandang litrato...naalala ko nung nakasakay ako sa kalesa sa binondo maraming taon na ang nakakalipas.
hay...kelan kaya ako makakasakay sa kalesa...
nice dramatic shot!
magandang LP sa'yo!
http://beybi-gurl.blogspot.com/2008/09/lp-26-puti-at-itim.html
maligayang huwebes po!
eto ang aking lahok... salamat.
parang ang sarap magpunta sa ilocos. :)
ang ganda! saan kaya sila tumungo pagkatapos magpahinga?
Jay, korek! Ang galing mo!
Arvin, Fickleminded, ako din hanggang litrato lang, di pa nakakasakay!
Christine, subukan mo. Ang daming pwedeng puntahan!
Toni, bumiyahe siguro ulit.
Mga kapwa litratista, salamat sa pagdalaw at sana'y makapagpahinga kayo ngayong weekend!
magandang b&w photo ito at maganda ang subject! alam mo... 1 beses lang ako nakasakay sa kalesa sa buong buhay ko at napakabata ko pa nun...
Post a Comment