Thursday, September 18, 2008

300



Murugan, originally uploaded by Em Dy.

Ang litratong ito ay kuha sa labas ng Batu Caves sa Malaysia. Ito ang pinakamalaking istatwa ni Murugan sa buong mundo. Maski gawa ito sa konkreto at hindi sa ginto, mahal pa rin ang ginastos dito. Kasi, pinturang ginto pa lang, tatlumpung daang litro na ang ginamit at inangkat pa ito galing Thailand. May isa pa nga pala akong litrato dito kung gusto nyong malaman kung gaano ito kalaki.

This photo was taken outside the Batu Caves in Malaysia. This is the world's biggest statue of Murugan. Even if this is made of concrete and not of gold, its construction was still very expensive. After all, 300 liters of gold paint was exported from Thailand. By the way, I have another photo here showing its size.

Taken May 2007 in Malaysia

------
Tema sa linggong ito ng Litratong Pinoy: Ginto
This week's Litratong Pinoy theme: Gold

20 comments:

Anonymous said...

Ang ganda naman niyan...Mabuti at malaki, mabigat, baka kung nandito sa atin yan ay mag-goodbye agad sa kanyang pwesto :D

Happy LP!

Anonymous said...

i got my share of golden statues over the weekend! hehe. mahilig yata talaga ang mga asians sa ginto, no? at ang galing ng mga kapitbahay nating thai at malaysians sa pagc-craft. very detailed.

gandang huwebes sayo em!

Unknown said...

kakaiba ang angle ng pagkuha mo...interesting! grabe, gaano kaya katangkad 'to?

Dr. Emer said...

I have a close up photo of Murugan's gluteus maximus, taken from the top of the caves.

Great shot, I love the way you framed this.

Happy LP!

ces said...

300 liters! isang shade of gold lang ba ito? mukha kasing iba iba dahil na rin siguro sa pagiging inticate nito:)

Anonymous said...

uy may shot din ako nyan, hehe... katakot yung mga unggoy dyan,pag di ka listo bigla na lang manghahablot... hehehe....

lidsÜ said...

medyo pareho din tayo a! hahah!

magandang huwebes sa'yo!
http://beybi-gurl.blogspot.com/2008/09/lp-24-ginintuan.html

Bella Sweet Cakes said...

E kalaki nga!!! maswerte din kaya yan????
ako rin may lahok ng ginto http://aussietalks.com/2008/09/litratong-pinoy-ginintuan-gold.html

Anonymous said...

malamang ngang kahit hindi sa ginto gawa iyan ay napakamahal ng pagkakagawa kaya maituturing na ring ginto :)

♥ mommy author ♥ said...

ang laki nga! at gintong ginto!

eto naman ang sakin:

http://www.walkonred.com/2008/09/lp-ginintuan-golden.html
http://www.kathycot.com/2008/09/lp-gold-shoes.html
http://www.buhaymisis.com/2008/09/lp-ginintuan.html
http://whenmomspeaks.com/2008/09/lp-golden-ginintuan/

Anonymous said...

ang galing naman at pintura lang pala iyon... sa totoo lang, akala ko ginto talaga siya... kaso ang mahal siguro kapag ginawang ganun.

i suggest ko kaya sa aking asawa na pinturahan na lang ng gold paint ang mga bakal na alahas para mag mukhang totoo? kaso baka gamitan niya yung para sakalin ako! di bale na lang.

Anonymous said...

Ang taray naman, 300 liters? Grabe... pero ang ganda ah?

arvin said...

Ang laki, 'di pwede manakaw yan, hehehe.

Thess said...

Impressive statue!
Happy LP, doc!

Anonymous said...

ang laking ginto! Happy LP ^_~.

HiPnCooLMoMMa said...

it's so nice!

MrsPartyGirl said...

whoa, mukha nga siyang malaki. akala ko actually its another buddha :)

so the gold paint was really made of gold? or just the ordinary gold color paint? sabagay, maraming ginto sa thailand so i won't be surprised if the paint was made out of real gold :)

LP Ginto sa MyWork
LP Ginto sa MyParty

sadako said...

nakita ko yung actual size nya ang laki pala akala ko naman eh gatao lang ang laki. Gigantic pala

docemdy said...

Iris, kayang kaya din siguro ito ng mga taga Paete.

Luna Miranda, iniwasan ko kasi yung araw kaya ganyan ang kuha.

Doc Emer, hanggang baba lang ako. Di ko nasulyapan ang gluteus maximus nya.

spiCes, iba iba ngang shade.

Lino, totong sinabi mo tungkol sa mga unggoy. Ang bibilis lalo na kung may bag kang akala nila'y may pagkain. Di na kami tumuloy umakyat.

At sa lahat, maraming salamat sa pagbisita!

Anonymous said...

grabe ano, 300 litres! pero sulit na rin kasi maganda syang subject lumalabas :)