Ang araw ng mga ama ay isang okasyon kung saan maraming negosyo ang kumikita ng malaking pera. Pero higit sa materyal na bagay, mas kailangan ng ating mga ama ang ating panahon, pangunawa at pagmamahal.
Fathers' Day is one occasion where many businesses earn a lot of money. However, our fathers need our time, understanding and affection more than material things.
Taken June 2008 in Davao City, Philippines
------
Tema sa linggong ito ng Litratong Pinoy: Ama
This week's Litratong Pinoy theme: Father
Thursday, June 19, 2008
Para kay Tatay
Labels:
EOS 450D,
litratong pinoy
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
20 comments:
Kakalungkot ngang isipin na mas higit ang pang-akit ng komersyalismo sa atin tuwing sasapit ang araw ng mga ama kung kaya't madalas ay nalilimutan ang mga mas mahahalagang bagay tulad ng panahon at pagkalinga.
naku mabuti nlang at kmi ay nanahimik na lamang dito sa bahay noong linggo at kung hindi ay malamang napariwara pa kami haha! happy hwebes!
sa bawat okasyon may kaakibat na negosyo... :)
maligayang araw ng huwebes... :)
Napakamahal naman ng mga face towel na iyan. Baka kapag ginamit mo ito ay magmumukha kang artista.
Sana naman ay hindi mag take advantage ang mga negosyante.
nung lumalaki pa kami, di pa commercial ang mga special occasions na gaya ng fathers' day...
ngayon, maraming negosyo ang gustong sumakay sa okasyon para magbigay ng promo at makaakit ng mas maraming tao.
ang una kong naisip..'ang mahal naman' ngunit ng makita ko ang tatak 'ay kaya naman pala'.
ngunit mahal pa rin :D
sana ay naging maligaya ang mga ama sa buhay mo.
tama ka!
panahon at pag-aaruga talaga ang kailangan nila!
magandang huwebes sa'yo!
ang gandang pang regalo sa tatay! maligayang araw sa yo :)
ang mahal! tama ka... oras ang isang bagay na hindi na maibabalik pa...
hindi ko pa alam gaano ka-busy ang father's day dito sa sydney dahil tuwing september ito ginaganap.
pero totoo, malaking negosyo talaga ang mga mahahalagang okasyon tulad nyan.
Busymom: LP2 Itay (Father)
Strawberrygurl: LP12 Itay (Father)
agree ako, em.
kaya't palagian nating iparamdam ang pagpapahalaga at pagmamahal natin sa ating ama.
magandang mensaheÜ
Pinky, samantalang walang kagastos-gastos ang panahon at pagkalinga.
Ces, masayang Hwebes din sa yo!
Lino, ha ha ha. Kaya nga't nagmamahal ang bulaklak pag Valentine's.
Leapsphotoalbum, ok na ideya yon a. Kaya lang, dapat nakaspecify kung sino ang makakahawig na artista.
Linnor, dati tama na ang home-made card di ba?
Reflexes, ang mahal di ba?
Lidsu, magandang Hwebes!
ettey, di ko naman binili 'yan. Tinawagan ko lang sya ng maaga kasi out of town ako nyan. Kumain na lang kami sa labas kinagabihan.
Betchay, kaya minsan nakakaguilty pag panay ang pagcocomputer ko. Ha ha.
Strawberrygurl, talaga? Ibang araw pala dyan.
Liz, salamat!
kelangan daw ng face towel ng mga tatay para sa mga tumatagaktak na pawis sa pagpapagal nila upang itaguyod ang kanilang pamilya
lahat talaga ginagawan ng paraan para pagkakitaan.
nakakalungkot tuloy na minsan nawawala na ang essence ng okasyon.
wow that's a whopping 600 pesos for a face towel! dapat ginto na yun hehehe. di ko kasi alam yung tatak. tsaka di ako mapag-signatured items. di ko afford eh :D
kesa sa lahat ng ginto dyan, masarap pa rin ang makakuha ng yakap at halik mula sa iyong minamahal na pamilya. ;)
maligayang paglilitrato :)
ang mahal na tuwalya naman nyan, doc em! :) iba na lang ang bibilhin ko sa 600. :)
Bagong Ama
Magkalaro, Magkaibigan, Mag-ama
Ang mahal naman ng face towel na yan :) Taking advantage sa espesyal na okasyon.
Tama sinabi ni Lino, hindi maaring walang komersyalismo ang bawat espesyal na okasyon.
At tama rin tinuran mo, mas kailangan ng mga ama ang panahon, pangunawa at pagmamahal.
tama ka doc. na-guilty tuloy ako dahil hindi na kami mashado nakakapag-spend ng quality time kasama ang aming ama.
taga davao ka em?
sorry late ako medyo busy kasi itong linggong ito
happy LP!
Post a Comment