Lagi nating sinasabing dapat ipagtanggol ang kalayaan. Ngunit, tayo din kung minsan ang nagkakait ng kalayaan. Ang tigreng ito ay isang halimbawa. Nakapagitan sa amin ang salamin. Pareho kaming libreng nakakagalaw ngunit limitado ang lugar na ginagalawan niya kumpara sa akin. Wala din siya sa natural niyang dapat kalagyan. Ang kalayaan ay karapatan di lamang ng tao.
We often say that we should fight for our freedom. Yet, occasionally we curtail others' freedom. This tiger is one example. A glass wall separates the two of us. Both of us can move freely but his space is smaller compared to mine. He is also not at his natural habitat. Freedom is a right not exclusive to man.
Taken April 2008 at Ark of Avilon, Tiendesitas
------
Tema sa linggng ito ng Litratong Pinoy: Kalayaan
This week's Litratong Pinoy theme: Freedom
Thursday, June 12, 2008
Presong Pusa
Labels:
animals,
DSC P10,
litratong pinoy
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
25 comments:
Awww...kawawa naman si Tiger.. :(
aba merokn na palang ganitoo sa tiendesihtas...maganda ang nilalaman ng lahok mo...
nakakalungkot isipin, but on the other hand pede naman maging educational para sa mga taong makakakita.
Conventional design kasi ang zoos dito sa atin. In modern zoos abroad, they use moats instead of cages.
Happy LP, Doktora!
Magandang litrato. Minsan nga ay dapat pag-isipan: Mas importante ba ang kalayaan ko kesa sa kalayaan mo? O pareho ba tayong maaaring maging malaya?
hindi para sa kulungan ang mga hayop...nakakalungkot isipin
agree ako sa iyo... ang kalayaan ay para sa lahat, hindi lamang ang mga tao...ngunit sa pagkakataong iyon, hindi ka ba nasiyahan na nawalang laya ang pusang iyan?
maligayang lp at araw ng kalayaan sa iyo!
walang laya si toger...
haaay... kawawa naman...magandang huwebes sa'yo...
tunay na sila ay nakapagbibigay ng saya sa ating mga nakakakita...ngunit masaya ba sila?
may karapatan din naman ang mga hayop...
kailngan din nila ng kalayaan...
dapat sa mas malaking lugar sila nakalagay...
happy huwebes...:)
nakakalungkot ngang isipin na wala siya (at iba pang kagaya) niya sa kanyang natural na kapaligiran...
tama ka, hindi lamang tao ang kailangan lumaya. pantay-pantay dapat lahat, tao o hayop.
happy LP sa iyo! =)
uy nakapunta kami dyan kamakailan :D
nakipaglaro ka din ba kay Jenny the orangutan :D
sang-ayon ako sa tinuran mo, dok. maganda rin ang pagkakakuha mo. :)
isang mapagpalayang huwebes sa iyo, dok em dy!
Sana makalaya naman ang tigre pagkatapos mabigyan ng pag-unawa at edukasyon ang mga batang tumitingin sa kanya. :D
Minsan lang ako magpunta sa mga zoo dito sa atin dahil naaawa ako sa mga hayop. Parang napapabayaan lang sila.
Happy LP kaibigan!
http://www.bu-ge.com/2008/06/litratong-pinoy-kalayaan.html
maganda sana syang pasyalan pero nakalulungkot din ang kanilang kalagayan...
happy lp!
Sa tiendesitas pala yan?
Para sa akin mas safe pag nakakulong nalang siya.Happy week-end!
Pinky, oo nga pero mukha naman siyang masaya.
Ces, maganda ang location para sa mga bata.
Girlie, siguro dapat lang gawing mas animal friendly ang cages nila.
Dr. Emer, happy LP. Atsaka siguro, mas malaki ang lupa nila.
Joy, kanya kanyang pananaw di ba?
Thess, oo nga. Nakapunta ako nun sa Animal Kingdom sa Florida. Malaki ang iniikutan ng mga hayop. Ang mga gustong makita sila nakasakay lang sa tram.
Leapsphotoalbum, tama ka dyan kasi kung hindi, di ko alam kung di ako gagalaw o tatakbo ng mabilis.
Lino, ang title dapat nakagapos na pusa pero iba nga pala ang ibig sabihin ng gapos.
lidsu, magandang Hwebes.
Reflexes, kaya dapat di tayo gumagamit ng flash pag kinukunan sila.
Emoterang Nurse, tama ka dyan. Dapat malaki ang mga zoo.
Betchay, di ba tayo hirap din sa lugar na di sariling atin?
Haze, pero okay lang sa akin na malaya sila at malayo sa akin. Ayokong makagat!
Cookie, absent yata si Jenny nung pumunta kami.
Dragon Lady, salamat.
Toni, kung pwede lang 8 to 5 din ang trabaho nya no? Pagkatapos magturo sa bata, pwede na syang umuwi at bumalik kinabukasan.
Buge, mahusay naman ang upkeep sa Ark of Avilon. Malinis ang mga hayop at mukhang alaga.
teys, tamang tama ang pasyalan para sa mga bata. Yung ibang mga hayop katulad ng manok at ibon ay libreng nakakapaglakad lakad sa facility.
Marie, tama ka dyan. Safe lalo na sa di mabilis tumakbo.
hindi nababagay ang "wild animal" na gaya ng tigre na yan na malagay "in captivity"... hindi normal ang nagiging kapaligiran nila. kawawa naman....
naalala ko tuloy na may protesta para palayain ang mga hayop sa zoo. pero marami rin ang umalma dahil paano nga naman natin malalaman ang mga hayop na katulad nyan kung hindi ilalagay at aalagaan sa zoo.
pero totoo, nakakaawa sila. mga preso ng hayop. :(
Strawberrygurl: LP11 Kalayaan
BusyMom: LP1 Kalayaan
naku baka naman kainin tayo nyan pag pinalaya mo hehehe. joke lang po.
Linnor, sana malaki ang lupa para malawak ang ginagalawan nila.
Christine, oo nga. Matagal ng debate yan. Sana may middle ground na okay para sa lahat.
Alpha, naisip ko din yon. Di pa naman ako mabilis tumakbo. Ha ha.
sang-ayon ako sa iyong mga sinabi. ako ma'y mga nakakulong na mga ibon naman ang lahok ko. :)
Post a Comment