Thursday, May 29, 2008

Ang Tao at ang Kalikasan



Bangui Windmills - Scale, originally uploaded by Em Dy.

Ang hangin ay isang bahagi ng kalikasan. Maari itong pakinabangan ng tao. Katulad na lamang ng Bangui windmills ng Ilocos Norte. Ang wind farm ay nakakapagdulot ng kuryente. Tignang mabuti ang litrato at pansinin kung gaano kaliit ang tao kumpara sa windmills na kayang patakbuhin ng hangin. Ang larawang ito ay magandang halimbawa ng dalawang klaseng scale, isang konsepto sa pagkuha ng litrato at ang lugar ng tao sa kalawakan.

The wind is one of the forces of nature. Man can harness wind to his advantage. Take for instance, the Bangui windmills in Ilocos Norte. This wind farm produces electricity. Look closely at the picture and see how small the people are compared to the windmills which are moved by the power of the wind. This photo is a good example of 2 kinds of scale, a concept in photography and man's place in the world.

Taken April 2008 in Ilocos Norte.

------
Tema sa linggong ito ng Litratong Pinoy: Ihip ng Hangin
This week's Litratong Pinoy theme: Wind Blows

33 comments:

Anonymous said...

iyon nga ang aking unang napuna sa larawan...marahil ay napakataas talaga nitong mga windmills na ito...

Tes Tirol said...

uy, pareho tayo kapatid! okey na okey yan!

gandang 'webes!

Anonymous said...

Ndi ko pa nakita ang mga windmills na yan. Sana ay mapuntahan ko yan pagbalik ko sa Ilocos.

Mukhang nakakalula ang taas nila no?

Magandang Huwebes!

 gmirage said...

Oo nga talagang makikita ang laki at liit ng mga bagay...Ang ganda ng tanawing ito! Happy LP!

Unknown said...

That's incredible, I didn't realise how big they were!

Anonymous said...

Sarap namang bumisita sa Ilokos at mukhang napaka-interesanteng makita ang mga windmill na yan.

Happy Huwebes sa iyo!

Anonymous said...

pareho din tayo pero mas maganda ang kuha mo. ang linaw!

Anonymous said...

nakakalula ang laki at ang taas ng mga windmill na 'yan... ang ganda ng pagkakuha... asul, puti at brown

lidsÜ said...

isa ito sa mga plano kong bisitahin ngayong taon! ang ganda daw dyan!
magandang huwebes sa'yo!

Anonymous said...

nung huling punta ko dyan, wala pang ganyan... kelangan pa la akong bumalik dyan... :)

Anonymous said...

ganda ng windmills, di pa ko nakakita nyan sa personal hihi! happy webes!

Anonymous said...

'di ko pa naranasang makakita ng windmills sa ating bansa...dapat siguro ay sadyain ko yan sa Ilokos pag mabigyan ng pagkakataon. napakagandang tanawin. salamat sa pagbahagi. magandang araw ng Huwebes sa iyo.

Anonymous said...

dumaan kami rito noong linggo, kaso di na kami pumunta malapit sa windmills, sayang. sana makabalik ako doon... gusto ko talagang makita ito ng malapitan.

ang aking LP ay nakapost na, daan ka sa blog ko kung may oras ka. salamat.

Shutter Happy Jenn

Anonymous said...

ang laki nga grabe, parang gusto ko rin niyan sa likod bahay namen, hehehe.

Anonymous said...

Mainam na gamitin ang wind power dahil ito ay libre, pero siyempre, mahal ang pagpapatayo ng mga windmills sa umpisa.

Ayos ang entry mo :)

Haze said...

pangarap kong makapunta ng ilokos para makita ang mga yan.

at may bago rin akong natutunan sa iyo. scale.. ayos! salamat!

happy LP!

Four-eyed-missy said...

Ganyan din sana ang aming gagawin dito sa isang project area namin sa Cambodia. Kaya nga lang ay di ito natuloy dahil sa masusing pananaliksik ay napag-alaman na hindi sapat ang hangin sa lugar na iyon para ma-sustain ang wind power. Nagbalik solar energy na lang kami, isang eco-friendly solution din kahit na napakamahal nito.
Magandang Huwebes sa iyo :)

Anonymous said...

Maganda composition mo, doc!

maganda Huwebes sa iyo!

(pasensha ka na, nde ko alam kung nakapasok ang comments ko na nauna, paki delete na lang)

marie said...

ako naman gusto kong makakita ng mga windmills lalo sa Holand.

Anonymous said...

Hindi pa ako nakakakita ng ganyan! Nakakalula ang kanyang pagkalaki!

Maligyang huwebes!

ScroochChronicles said...

yan ang gusto kong makita talaga. di pa ako nakapunta kasi ng ilocos..ganda ng kuha :D

ayen said...

ang ganda. sana makapunta rin ako sa lugar na to. :)

Anonymous said...

ang linis ng kalangitan! akmang-akma ang kuha mo sa tema natin. :)

happy weekend!

Anonymous said...

noong nakita ko yung mga windmills sa unang pagkakataon, namangha din talaga ako. ang laki kasi! napakagagaling ng mga gumawa nun, sa totoo lang. at ang ganda pa ng backdrop niya. ang sarap balikan.

Anonymous said...

di ko akalain may ganitong windfarm na din sa pinas.

Ambo said...

Pareho tayo ng entry hehehe. Happy weekend!

docemdy said...

Ces, dapat nakatingala.

Teys, oo nga no?

Buge, nakakatuwa silang makita, lalo na kung malapitan.

Mirage2g, ok ang contrast di ba?

Jenty, they're huge.

Pinky, biyahe na!

Linnor, mas marami naman yung windmills na nakita mo!

Betsay, salamat!

Lidsu, check out mo din yung blog ko para sa tips sa byaheng Ilocos.

Lino, balik na!

Ettey, punta na sa Ilocos.

Roselle, must see talaga to pag nagpunta ka ng Ilocos.

Jenn, sana nga makabalik ka.

Komski Kuno, naku, di mo na kailangan ng bentilador o aircon pag may ganyan ka sa likod bahay!

Julie, malaking investment nga ang kailangan.

Haze, pwede mo ding gamitin ang concept ng scale sa marami pang bagay.

ZJ, nakakatuwa nga. Ang lakas ng hangin nung pumunta kami. Di nga lang magandang magpapicture kasi nililipad pati buhok.

Thess, salamat!

Marie, pangarap ko rin ang Holland. sarap sigurong magpicture dun. Maraming tulips, etc. At ang costumes nila ang ganda-ganda.

Toni, punta na. Dito sa Pilipinas, sa Ilocos lang meron nyan.

Cookie, may zero fare yata!

Ayen, tara na!

Christine, payapa ang langit.

Iris, oo nga, ang sarap balik balikan.

Kiwipino, ako din nagulat.

Ambo, ang ganda ng kuha mo!

Anonymous said...

Em Dy, natuwa naman ako at sa Ilocos Norte lang pala itong litrato mo...akala ko ng una ay sa abroad... may ilan na rin akong nakitang entry na windmills, usually sa USA kinunan ang mga litrato.

Happy LP!

Anonymous said...

mas type ko ang photo mo doc em, kasi local :) yung sa akin imported kaya hindi ako masyadong attached hehe.

Anonymous said...

ang sarap makakita ng magandang larawan na kuha sa atin. tulad ng piktyur mo... ma-appreciate mo talaga ang ganda ng pilipinas :-)

Anonymous said...

ang galing nito. sana nga ipursue ng government itong alternative na ito.

really awesome yung difference ng sizes, no?

docemdy said...

Leapsphotoalbum, onli in Ilocos in the Pilipins.

Meeya, lokal na lokal. Namangha din ako nung unang makakita ng windmill sda Amerika. Di nga lang nakatigil para kumuha ng litrato.

Iska, wow Pilipins.

Ate Sienna, ang liit ng tao, no?

Dragon Lady said...

hi doc! sensya na po at ngayon lamang nakabisitang muli sa iyong blog. pareho nga tayong naglahok nang windmills. :)

happy LP!