Thursday, May 1, 2008

Pearl Harbor




U.S.S. Arizona Memorial, originally uploaded by Em Dy.

Ang atake sa Pearl Harbor ay isang malungkot na pangyayari ng kasaysayan ng mundo. Ito ang naghudyat ng digmaan sa Timog Silangang Asya, kasama ang Pilipinas. Ang U.S.S. Arizona Memorial ay matatagpuan sa gitna ng dagat at maaaring marating ng mga panauhin pagkatapos ng isang maikling paglalakbay gamit ang isang bangka. Dito maaaring magbigay pugay sa mga nagbuwis ng buhay noong Disyembre 7, 1941.

The attack on Pearl Harbor is a sad event in world history. It marked the beginning of World War II in Southeast Asia, including the Philippines. The U.S.S. Arizona Memorial is located offshore and may be reached after a short boat ride. Here, visitors pay tribute to the men and women who gave their lives that fateful day of December 7, 1941.

Taken May 2006 at Pearl Harbor, Oahu, Hawaii.

------
Tema sa linggong ito ng Litratong Pinoy: Malungkot
This week's Litratong Pinoy theme: Sad

21 comments:

Anonymous said...

Pasensya na, Em Dy, imbes na malungkot e bigla kong naalala si Ben Affleck sa post mo - hehehe! :)

Super gusto ko kasi yung pelikulang Pearl Harbor e.

Happy Huwebes!

lidsÜ said...

malungkot man ang simbolo ng lugar na iyan, guso ko pa rin itong mabisita... upang mapagnilayan ang mga nagyari nun...
magandang huwebes sa'yo...

Anonymous said...

ay grabe... yan ang nag-trigger sa pinakamalungkot na pangyayari sa ating kasaysayan...

Anonymous said...

Malungkot nga talaga ang nangyari noon sa Pearl Harbor

Maligayang Huwebes sa yo!

Lizeth said...

natawa naman ako kay pinky! :D

maligayang huwebes!!

Tes Tirol said...

makasaysayan ....

magandang LP!

Anonymous said...

haha oo nga no, pearl harbor = ben affleck. naku sorry for not taking it seriously :) pano naman kasi karamihan ng posts ngayong LP eh tungkol sa kamatayan dahil sa mga giyera! hay.

Anonymous said...

that pearl harbor attack was horrible. but the bombing in japan was worst. this photo reminds me of soldiers and civilians who died in the iraq war. sigh...

Anonymous said...

at huwag kalimutan na kasabay ng pag-bomba ng Pearl Harbor eh may air strike at bombing din sa Pilipinas. Sabay na nangyari, iba lang ang petsa ng isang araw (Dec 7/8) gawa ng time difference.

Anonymous said...

naku pareho kami ni pinky. si ben affleck din ang pumasok sa isip ko. :)

magandang huwebes!

My LP Entry

HiPnCooLMoMMa said...

o nga malungkot tignan...pero ako ay magiging masaya pag nakita ko yan ng personal

http://hipncoolmomma.com/?p=1728

Anonymous said...

simple lang ang larawan pero maraming kwento at emosyong na-trigger. mahusay ang capture mo em dy :) sana makarating din ako dyan...

Anonymous said...

iba talaga ang kahit anong digmaan... sana hindi na ito maulit muli...

by the way, ito bang memorial na ito yung makikita mo pa yung barko sa ilalim ng tubig?

Anonymous said...

Kalungkutan talaga ang dala ng digmaan kahit saan. Sino nga ba ang nagsabi ng 'if you want peace, you must prepare for war'.. Agree ako kay lidsu, kahit malungkot ang ala-ala ng Pearl Harbor, gusto ko rin yang makita someday :-)

yvelle said...

bigla ko naalala ang movie na pearl harbor! yes, nakakalungkot nga..

http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/04/lp-5-malungkot.html

Anonymous said...

bakit kasi kailangan pa ng giyera? :(


MyMemes: LP Malungkot
MyFinds: LP Malungkot

Anonymous said...

nakakalungkot talaga ba't kelangan pa may giyera. yung post ko naman related sa WWII, local nga lang, sa corregidor :)

docemdy said...

Pinky, ha ha ha, oo nga no!

Lidsu, magandang puntahan ang Pearl Harbor. Maraming memorabilia, may short film pa sa visitors' center.

Linnor, korek ka dyan.

Buge, maligayang araw din sa yo.

Lizeth, tagahanga ka din ni Ben Affleck?

Teys, oo nga!

Iris, di ko nga masyadong gusto ang temang ito. Nakakalungkot pero join pa rin!

Sardonic Nell, it will never stop if good people continue to do nothing.

MegaMom, akala ko a day apart talaga. Time difference pala.

Christine, marami palang tagahanga si Ben Affleck!

Hipncoolmomma, sana nga makita mo ng personal!

Star, salamat!

Leapsphotoalbum, may makikitang bakal sa ilalim ng tubig.

Juleste, ngayon ko lang narinig yan. Sino nga kayang nagsabi nyan?

Yvelle, siguro masarap panoorin ulit ang pelikula.

Korky, gusto ko sanang makapunta ng Corregidor. Tinakot ako ng kaibigan ko. May multo daw!

Meeya, ewan ko nga ba.

Anonymous said...

Pearl Harbor, isang napakalungkot na bahagi ng kasaysayan :(

Anonymous said...

sana nga di na maulit yun,,,...nakakaiyak talaga

Anonymous said...

hhmmm..ang gara ng nga pangyayari..sana nga d n maulit.. =C