Thursday, May 8, 2008

Nagmamatyag



Currimao Family, originally uploaded by Em Dy.

Isa sa mga masarap gawin tuwing taginit ay maligo sa dagat. Gustong gusto ito ng mga bata. Kaya lang, di pwedeng wala silang kasama. Matiyagang nagbabantay ang inang ito habang nagkakatuwaan ang mga anak niyang lumangoy habang ang bunso ay tulog sa kanyang mga balikat. Di natatapos ang tungkulin ng isang ina pero ginagawa niya ang mga ito ng bukal sa kalooban.

One of the nicest things to do during summer is to go to the beach and swim. Children love this activity. But they cannot be left unsupervised. This mother patiently watches over her older children having fun swimming while the youngest is in her arms asleep. A mother's work is never done but she continues to do her duties from the heart.

Taken April 2008 in Currimao, Ilocos.

------
This week's Thursday Challenge theme: Family

Tema sa linggong ito ng
Litratong Pinoy: Mahal na Ina
This week's Litratong Pinoy theme: Beloved Mother

This week's Lens Day theme: Mother

24 comments:

Anonymous said...

Parang biglang gusto ko tuloy mag beach... have a great thursday! :D

Anonymous said...

ang aliwalas ng panahon sa litrato na yan. kaya naman mukhang ganado na lumangoy ang mga bata...

Anonymous said...

ganyan ang mga nanay mapagmahal.

ang ganda naman dyan!

Anonymous said...

Ganda ng ideya mo para sa linggong ito dahil talagang sumasalamin ito sa isang napakahalagang katangian ng maraming ina - ang pag-gabay sa kanilang mga anak.

Happy Huwebes sa iyo!

Anonymous said...

ganda ng beach! lovely picture!

happy thursday po!

lidsÜ said...

iba talaga ang pagti-tiyaga ng isang ina!
magandang huwebes sa'yo!

Anonymous said...

maganda ang kuha, maganda ang idea mo tsempong tsempo ha!

Dyes said...

pano kaya pag ang isang bata ay lumayo? ibababa kaya nya ang hawak nyang sanggol o isasama nya sa pagsagip? naku, dilemma ng mga in!

ang entry ko ay nasa: http://yaneeps-pics.blogspot.com/2008/05/lp-6-mahal-na-ina.html

ScroochChronicles said...

gusto ko yung napili mong title. very appropriate :)

Anonymous said...

ang ganda ng larawan kahit na malawak ang sakop ng kuha ay naka-focus pa din ang atensyon sa mag-ina.

Anonymous said...

Naku, talagang walang katapusan ang trabaho ng isang ina. Kahit na matanda na ang kaniyang mga anak eh patuloy pa rin ang kanyang pag bantay sa kanila. Saludo ako sa mga ina!

Anonymous said...

Napakamadamdamin yan. Kahit hindi mag-enjoy ang ina, basta masaya ang mga anak, sige lang.

Magandang araw sa iyo :)

docemdy said...

Jeprocks, ikaw din.

Linnor, di nga masyadong mainit noon. Tamang tama lang.

Mousey, sa may Sitio Remedios ko din to kinunan.

Pinky, Ettey, Ces, Cookie, salamat!

Dyes, naku, di ko naisip yan. Paano nga kaya?

Kiwipino, gusto ko kasing ipakita yung dagat.

Leapsphotoalbum, ako din!

Julie, walang kapagod-pagod!

sadako said...

masarap mag beach ngayon mainit sobra ang kapaligiran, kailangang magpalamig

emotera said...

ang ganda naman ng view...

happy huwebes...:)

Anonymous said...

ang ganda. simple lang at walang anik anik pero i like the photo talaga. thank you for sharing.

Anonymous said...

napakagandang kuha, em dy.

ang aking litrato ay naka-post na rin, daan ka sa aking blog kung ikaw ay may panahon:

Shutter Happy Jenn

mraming salamat!

Tes Tirol said...

ako din gusto kong mag-beach kasama ng mga anak ko :)

maligayang LP!

Anonymous said...

hangad lagi ng mga ina ang kaligtasan ng kanilang mga anak. kaya naman talagang binabantayan nila ang mga ito lalo na sa paglalaro sa tubig. :)

Munchkin Mommy
Mapped Memories

Anonymous said...

cheers to all the wonderful mommies! happy thursday...

Sunshinelene said...

hi em, i think that's what moms are for. We never stop to care. Our being moms is an enjoyable work 24/7.

happy mom's day!

docemdy said...

Bluepanjeet, oo nga. Tapos may masarap na fruit drink or buko. Sarap!

Emoterang nurse, salamat!

Jenn, papunta na ko dun!

Teys, punta na!

Munchkin Mommy, parang hawk magbantay!

Sardonic Nell, cheers!

Sunshine, happy Mother's Day to all the mothers out there!

Nina said...

Ganda ng beach at maganda rin yong shot mo. Talagang ang ina ay protector ng mga anak.

Nakakatuwa, tatlong meme na-capture ng isang litrato.

Em, nawala ko ata comment mo. Pasensya ka na ha. Nagloloko kasi yong touch pad ko kanina.

Anonymous said...

Ang ganda! di ako mahilig mag-swimming pero gusto ko ang tanawin sa beach. Magaling ang pagkakakuha mo. Medyo sentimental nga ang naging dating sa kin.

Happy weekend at happy mothers' day!