Thursday, May 22, 2008

Bawal Kumurap!



Halona Blowhole, originally uploaded by Em Dy.

Ang litratong ito ay kuha sa Halona Blowhole habang bumubuga ito ng tubig. Ito ay gawa sa mga natunaw na lava mula sa pagsabog ng bulkan nung nakalipas na panahon. Bumubuga lamang ito kasabay ng pagtama ng alon. Ang laki ng buga ay sumusunod sa laki ng alon. Upang makita ang pagbuga, bawal kumurap!

This is a photograph taken of the Halona Blowhole as it spouts water. Molten lava tubes from volcanic eruptions in the past are responsible for the formation of this natural phenomenon. The blowhole is but a rock formation in between waves but when the waves strike it, it shoots water up in the air. The size of the spray correlates with the size of the wave. To see the water surge, don't blink.

Taken May 2006 in Oahu, Hawaii

------
Tema sa linggong ito ng Litratong Pinoy: Tubig
This week's Litratong Pinoy theme: Water

30 comments:

HiPnCooLMoMMa said...

ayan ang hapdi tuloy ng mata ko kasi hindi ako kumurap habang binabasa ang entry mo, pero hanggang sa tagalog lang ang nakyanan ko.

http://hipncoolmomma.com/?p=1776

Anonymous said...

magaling...tamang tama ang timing ng mpagkuha mo sa pag-buga ng tubig ha!

 gmirage said...

Salamat sa impormasyon tungkol dito, isang napakainterasenteng lahok pra ngayon! Gandang Huwebes!

Anonymous said...

wow! ang gara naman yan.

maligayang huwebes!

Anonymous said...

ayos, buti na lang di ako kumurap... :) maligayang araw ng huwebes...

Anonymous said...

ang lakas ng hampas ng alon :)

lidsÜ said...

wow! ang galing! ang ganda ng pagka-kuha...
magandang huwebes sa'yo!

Anonymous said...

isang bagay na madalang makita...salamat sa pagbabahagi. Magandang araw sa iyo!

Anonymous said...

galing noh!!! gusto ko pumunta jan! :D Maligayang Huwebes po!

ScroochChronicles said...

di ko akalain na may ganito pala!! ang kalikasan talaga..nakakagulat minsan :)

Anonymous said...

whoa! ang galing naman!

happy huwebes sa iyo! :)

Eds said...

wow! galing naman ng alon, saktong sakto ang iyong pagkakuha!

Magandang Huwebes!

http://edsnanquil.com/?p=738

admin said...

ay oo nga pareho tayong blowhole ang lahok pero sa yo sa Hawaii naman. ang ganda panoorin di ba? happy huwebes

Dyes said...

ang galing ng nature!

happy hwebes!

Sreisaat said...

Gusto kong pumunta dyan!!! Di nga ako kumurap - pero mabagal ang internet connection namin ngayon. Susubukan ko ulit mamaya. Happy LP, Ms. Em Dy :)

Anonymous said...

Hindi nga ako kumurap! Parang gusto ko tumalon sa tubig!

Lizeth said...

ganito din ang lagi naming kinukuhanan e. :) gusto mapiktyuran ang alon :D

happy thursday!

Anonymous said...

ikaw ang buti'y hindi kumurap kundi hindi mo makukuha ang shot na ito :)

gandang huwebes!

Anonymous said...

ganito din ang una kong napiling litrato para sa aking lahok. :) pero pinalitan ko ng pagkain. :D

magandang araw! :)

Anonymous said...

it's one of those amazing things about nature :) galing!

Marites said...

para yatang may usapan kayo ng alon at saktong sakto ang kuha mo sa pagsabog niya sa litrato mo :) galing!

Anonymous said...

don't we just love nature. nice photo! happy thursday...

fortuitous faery said...

ang ganda...halatang gawa sa lava ang mga bato sa larawan sa kulay nito.

Ambo said...

Kumurap ako kasi me langaw dito hahaha. Nice photo. Gandang araw po. :-)

http://www.ambothology.com/davao-city-whitewater-rafting

Anonymous said...

maganda ang iyong lahok :) sana at mapuntahan ko rin ito.

Anonymous said...

very nice! :)

Anonymous said...

hindi nga nagpost yung nauna kong message.

sa wakas at nakapagpost din! ang ganda at tining ko yung website!

ang galing-galing! happy weekend!

Anonymous said...

interesting info, em!

Carver said...

I came via Weekend Snapshot and I wanted to tell you how much I like the shots on your blog. This is beautiful as are the others.

docemdy said...

Mga kapwa litratista, pasensya na't ngayon ko lang masasagot ang mga comments nyo. Galing kasi ako sa byahe. Salamat sa pagdalaw.

Hipncoolmomma, gusto mo ng Eye-Mo? Ha ha!

Ces, salamat.

Mirage2g, magandang araw din sa yo.

Mousey, napaood mo ba yung Fool's Gold? May blowhole din dun.

Lino, buti di ka kumurap!

Linnor, malakas nga. Swoosh. O ayan, may sound efects pa!

Lidsu, salamat!

Roselle, welcome. Ano nga ba sa tagalog ang Welcome?

ettey, sana nga makaunta ka. Maganda ang Hawaii!

Cookie, pag nagugulat ako sa kalikasan, naiisip ko Siya na gumawa ng lahat.

Leah, salamat!

Eds, buti na lang malakas ang alon nung nandun kami.

JennyL, magandang panoorin. Sana mapanood mo yung Fool's Gold. May kuha ng blowhole mula sa loob.

Dyes, walang katulad ang kalikasan.

ZJ, naku, sana mabilis na ang internet myo ngayon!

Toni, nakakarelax ang tubig no?

Lizeth, nakakatuwa ang mga aon di ba?

Kaje, oo nga no?

Christine, naintriga na ko sa iyong pagkain.

Iris, patuloy tayong ginugulat ng kalikasan.

Me, the islands and the world, nagdasal ko't naghintay sa alon.

Sardonic Nell, salamat.

Fortuitous Faery, maganda din yung mga bundok nila. Gawa din ng dating pagsabog ng bulkan.

Ambo, naku, istorbo namang langaw yan.

Nina, sana nga mabisita mo din ang Hawaii.

Pinay in the US, thanks.

Mommyba, salamat!

Bingkee, amazing!

Carver, thanks for visiting and the comments about the photos.