Ang mga hugis na pahabang ito na gawa sa kahoy ay nakasabit sa isa sa mga puno ng Sitio Remedios. Tahimik silang saksi sa mga nagaganap sa lugar na yun kung saan ang mga panauhin ay kumakain ng agahan, tanghalian o hapunan. Sa may di kalayuan, nagpapahinga ang ibang panauhin habang nagmemeryenda o di kaya'y nanonood ng paglubog ng araw. Ngunit sa pag-ihip ng hangin, nalilikha ang kaayaayang tunog sa pagtama ng mga bagay na ito sa isa't isa. Sobrang nakakahinahon ang katahimikan ng Sitio Remedios; lalo na kapag nadadagdagan ng tunog ng dalampasigan at ng tunog ng mga bagay na ito.
These elongated objects made of wood hang from one of the trees of Sitio Remedios. They are silent witnesses to the events in the area where the resort guests take their breakfast, lunch or dinner. Nearby are areas where other guests rest while enjoying their snack or watching the sun set. When the wind blows, a pleasing sound is created when these things strike each other. The solitude of Sitio Remedios is truly relaxing and made even more so by the sound of the sea and these windchimes.
Taken April 2008 at the Abrao Poolside, Sitio Remedios in Ilocos.
------
Tema sa linggong ito ng Litratong Pinoy: Hugis ay Pahaba
This week's Litratong Pinoy theme: Elongated
37 comments:
tiyak! napakaganda ng tunog ng mga yan pag humangin.. :)
ang galing!! masarap din ba ang pagkain diyan sa remedios? :)
gandang huwebes!!!
na iimagine ko na na maganda ang lugar na kinalalagyan ng mga pahabang kahoy na yan. Gusto ko na magbakasyon!!!!
kay ganda siguro nyan pakinggan once na umihip ang hangin.
http://hipncoolmomma.com/?p=1695
parang nare-relax ako sa kuha mo, halos naririnig ko na yung mga chimes eh.
Gustong gusto ko tunog ng mga yan!
:)
Ganda naman ng mga "wind chimes" na iyan - Pinoy na Pinoy!
Happy Huwebes-hopping sa iyo!
wind chimes na kahoy? :) ang galing!! happy thursday!
sitio remedios! gusto ko ring makapunta riyan! those chimes are very pretty!
magandang huwebes sa'yo!
gusto ko ang natural na ambiyans (tama ba? hehe) diyan...nadarama ko ang malamig na simoy ng hangin at ang kalembang ng mga munting windchime na iyan ;)
nakuposa po ako sa mga hindi natutuwa sa tunog ng chimes. pero hindi ko pa narinig ang tunog ng ganyang klase mukhang gawa sya sa kawayan? malamang naman ay magustuhan ko dahil maganda ang lugar at sabi nila ay masarap ang pagkain. :-)
naaalala ko dyan ang instrumenton "angklung" kung tawagin.... :)
windchime... ayos...
Napakagandang sigurong marinig ang tunog mula sa mga iyan, malamang nakakarelaks.
Maligayang araw!
sana ay mapakinggan ko rin ang pagtama nila sa isat isa :)
magandang huebes po!
Yan ay isa sa mga paborito kong instrumento! Magandang lahok!
Sana mkabisita ka sa aking bahay :)
http://edsnanquil.com/?p=634
Isa yan sa mga paborito kong bagay. Pag nakakdinig ako ng windchime ay naalala ko ang dati naming tinatambayan ng mga kaibigan ko sa Anilao.
Maligayang Huwebes!
sigurado ako na napakarelaxing sa lugar na yan, sana makapunta rin ako ng ilocos. have a nice day! :)
http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/04/lp-4-hugis-ay-pahaba.html
ang ganda naman yan!
bamboo chimes ba.
gusto ko nyan wind chime! :) parang narinig ko na ang sitio remedios pero hindi ko pa napuntahan..
Adinille, korek ka dyan.
Kaje, masarap din. Lutong Ilocano syempre. Masarap din yung mga fruit shakes nila.
Jeannycdj, sana makapunta ka doon.
Hipncoolmomma, nakakarelaks, ang sarap tuloy umidlip sa papag o kaya naman sa kutson.
Betweenthemoonandnyc, ang galing naman. Abot New York?
Thesserie, ako din.
Pinky, di ko masyadung gusto ang ibang windchimes pero ito ikinatuwa ko talaga!
Lizeth, kawayan yata. Di ba kahoy din yun?
Lidsu, sana makapunta ka sa Sitio!
Nona, Pinoy na Pinoy ang Sitio. Ang galing ng concept.
Iska, di rin ako mahilig sa pangkaraniwang chimes pero ang mga ito, kakaiba ang tunog, nakakatuwa!
Linnor, ano yung angklung?
Lino, ayos!
Julie, relaks tu da maks!
Dyes, sana nga!
Eds, papunta na ko!
Buge, di pa ko nakakapunta sa Anilao. Maganda ba talaga?
Yvelle, biyahe na!
Mouse, salamat!
Grey, laman na sya ng maraming babasahin. Maganda kasi talaga.
Kung magawa nga lang sana nang isang litrato na iparinig ang kasalukuyang naririnig habang ito'y kinukuha, siguradong nakakarelaks itong "tingnan".
Magandang huwebes!
maaliwalas sa paningin at malamang maaliwalas din sa pandinig. :) great entry!
maligayang huwebes!
MyMemes: LP Pahaba
MyFinds: LP Pahaba
paborito ko ang mga chimes... sobrang na re-relax ako sa mga tunog nito... ang sarap nito sa beach... saan ba yung Sitio Remedios?
tunay na kakaibang entry para sa LP! ang naisip ko nang makita ko ang mga ito ay barquillos. hee hee. :D
Mga Pahaba sa Dallas
Mga Pahaba sa Houston
sa litrato pa lang parang maririnig mo na ang tunog ng mga yan. at ang ganda ng lugar! ang tahimik!
happy LP!
LP #4
naku masarap yang pakinggan lalo na't nasa duyan sa ilalim ng lilim ng punongkahoy... haaay.
maligayang LP!
Lifeisjunk, pwede din na may tunog, pang VideongPinoy!
Meeya, maaliwalas talaga.
Leapsphotoalbum, ang Sitio Remedios ay matatagpuan sa Currimao sa Ilocos.
Munchkin Mommy, uy, masarap ang barquillos sa ice cream.
Haze, maganda ang lugar. Sana makapunta ka.
Teys, ang sarap matulog pag ganyan!
ang ganda naman. i love the sound that these guys make.
wow...i thought they are music pipes.
nice entry! and a cool place to relax.
ang sarap pakinggan ng tunog nyan habang ikaw ay nakahiga sa hammock. hay...
ang galing, di lang pahaba, pinoy na pinoy pa..
gustong gusto ko tunog nyan, parang mga patak ng ulan.
now, that is one nice looking and very unique wind chimes ;)
ang ganda nito, doc. mahilig rin kasi ako sa mga wind chimes.
have a good week! :)
*My LP 4 Entry*
Incoherent, me too.
Sunshineforlife, great destination indeed.
Kaye, masarap nga magpahinga sa duyanmay bitbit na libro at malamig na inumin.
Alpha, salamat!
Jeprocks, masarap nga ang tunog ng patak ng ulan.
Sardonic Nell, thanks.
Christine, you too!
Great wind chimes! Have you guys every seen a wind spinner before? It's like a wind chime only more visually dynamic!
Post a Comment